Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

NO Contact Apprehension Policy, binatikos ng transport groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 504 total views

Binatikos ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang patuloy na implementasyon ng “No-contact Apprehension Policy (NCAP) sa 5-lungsod sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Liberty De Luna, National President ng ACTO na napakataas ang multa na umaabot ng libong piso sa mga Jeepney drivers na lumabag sa polisiya.

Naunang naghain ng petisyon si De Luna kasama ang ibang transport groups sa Korte Suprema na ipatigil ang NCAP na pahirap sa transport sector.

“Kasi huli dito, huli doon yung gagawin nila kawawa naman po mga operators kung ang mga drivers nila ang nagkasala, sila po ang magbabayad dahil sa NCAP ang plate number po nila huhulihin. Masakit dito kapag di mo agad mabayaran sa LGU may multa pa po ito,”dismayadong pahayag ni De Luna sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Ricardo Rebaño – Pangulo ng FEJODAP na dapat magkaroon muna ng pagsasaayos sa polisiya bago ipatupad.

Tinukoy ni Rebaño na hindi tama ang matagal na sistema ng pagpapadala ng Notice of Violations sa mga drivers at operators dahil kadalasan itong natatanggap ng lagpas sa takdang petsa kaya’t lumalaki ang babayarang multa dahil sa penalty fees.

“Dapat lang maitama sa polisiya at yung penalty sobrang laki, yan ang isang problema dahil kung may mahuli, hindi mairerehistro ang sasakyan na malaking kabawasan sa public transport ngayong school opening, pandemic pa ngayon, kung baga ngayon palang bumabangon ang transport,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Rebaño.

Sa Metro Manila, aabot sa 60-libo ang kasaping miyembro ng FEJODAP habang 450-libo naman ang kasapi ng ACTO sa buong Pilipinas.

Ang NCAP ay ipinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 2020 na ginagamit ang Closed-circuit television (CCTV) upang bantayan ang pagsunod sa batas trapiko ng lahat ng drivers.

Una naring nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa MMDA na huwag ng idamay ang mga Public Utility Vehicles sa pagpapairal ng polisiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 25,915 total views

 25,915 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 93,403 total views

 93,403 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 114,468 total views

 114,468 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 136,926 total views

 136,926 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 172,620 total views

 172,620 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top