Simbahan, pinuri ng George Cross awardee sa kampanya kontra COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Pinuri ni United Kingdom-based Filipina nurse May Parsons ang hakbang ng simbahan sa patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa mamamayan.

Bukod sa pagtulong sa pamamahagi ng bakuna, hinimok ni Parsons ang simbahan na patuloy na isulong at paigtingin ang pagpapalaganap ng katotohanan at labanan ang pagkalat ng maling impormasyon hinggil sa bakuna.

“As Filipinos, we are very religious. We are Catholic. I think the church can do more in terms of actually combating misinformation,” pahayag ni Parsons sa panayam ng Radio Veritas sa ginanap na press conference sa University of Santo Tomas.

Sinabi ng Filipina nurse na mahalaga rin ang patuloy na information dissemination hinggil sa COVID-19 vaccines lalo na sa mga mahihirap na komunidad upang mapawi ang pangamba ng publiko at mas mahikayat na magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

Nilinaw naman ni Parsons na hindi pa rin sapilitan ang pagpapabakuna bagkus ay sinisikap lamang na mahikayat ang publiko na pangalagaan ang sarili laban sa umiiral na COVID-19.

“We cannot force people to take them, but we can advise them in the right way. Because people are allowed to make wrong decisions as long as I feel that they’ve been given all of the right information,” ayon kay Parson.

Si Parsons ang nangasiwa sa kauna-unahang coronavirus vaccination sa buong mundo at nakatanggap ng George Cross Award mula kay Queen Elizabeth II at Prince Charles sa Windsor Castle.

Ang George Cross award ay ang pinakamataas na civilian award para sa katapangan at kagitingan.

Nagtapos si Parsons ng kanyang Nursing degree sa UST noong 2000 at nagtrabaho sa UST Hospital hanggang 2003.

Sumali siya sa National Health Service (NHS) at mula 2003 ay kabilang na sa University Hospitals Coventry and Warwickshire, NHS Trust, sa United Kingdom.

Kabilang na ngayon si Parsons sa mga nagkamit at nagbigay-karangalan sa bansa, tulad ni Hidylin Diaz na kauna-unahan at nag-iisang Olympic gold medalist, at si Maria Ressa na isang mamamahayag at unang Filipino na nakatanggap ng Nobel Peace Prize.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,248 total reads

 4,248 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,255 total reads

 58,255 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,046 total reads

 95,046 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 127,390 total reads

 127,390 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,094 total reads

 178,094 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 239,714 total reads

 239,714 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,640 total reads

 52,640 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top