Church facilities, bukas na maging vaccination sites ng COVID-19 vaccines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total views

Tiniyak ng health care commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan upang matugunan ang umiiral na coronavirus pandemic.

Ito ang sinabi ni Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care kaugnay sa pamamahagi ng bakuna sa mamamayan bilang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Ayon sa pari, marami pa rin ang nagdadalawang-isip o tumatangging magpabakuna dahil walang tiwala sa epekto o nangangambang mahawaan ng sakit.

“Nakikilahok pa rin ang simbahan para sa pagpapalaganap ng COVID-19 vaccination lalong-lalo na sa mga areas na mababa ang ating vaccination accomplishments. Ito ay base na rin sa datos at accomplishments ng iba’t ibang local government units,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Layunin ng simbahan ang pagsasagawa ng information dissemination sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan at mga parokya upang isulong at ipabatid sa publiko ang magandang maidudulot ng COVID-19 vaccine.

Gayundin ang pagiging bukas ng mga simbahan sa pagpapahiram ng mga pasilidad upang magsilbing vaccination area.

“Priority ng Health Care Commission una, ang pagpapalaganap ng confidence at pagpapababa ng hesitancy sa COVID-19 vaccination. Pangalawa naman ay ang pag-o-open natin ng ating mga espasyo sa simbahan para maka-avail ang ating mga kababayan sa COVID-19 vaccination,” ayon kay Fr. Cancino.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa humigit kumulang 160-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa bilang, 70-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng unang dose at higit-72-milyon naman ang natanggap na ang 2nd dose o kumpleto na sa bakuna.

Habang nasa halos 18-milyon na ang nakatanggap ng booster dose bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 1,343 total views

 1,343 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 31,566 total views

 31,566 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 58,217 total views

 58,217 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 153,260 total views

 153,260 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 174,669 total views

 174,669 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top