Pamahalaan, pinakikilos ng Obispo sa malawakang rice smuggling at hoarding

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kumilos at tugunan ng pamahalaan ang rice smuggling at hoarding na dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Ipinagdarasal ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa gumawa ng konkretong hakbang ang pamahalaan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino.

“We pray, Lord hear the cry of the poor who always struggle to find food in their daily life. We pray that our leaders find a just solution to the issues of smuggling, hoarding and the high price of rice. Amen,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Inihalintulad ng Obispo ang bigas sa ‘buhay’ na nagbibigay ng sapat na lakas sa bawat Pilipino upang makapag-patuloy sa pang araw-araw na pamumuhay.

Iginiit ni Bishop Mallari na mahalagang matugunan ang pagtaas ng presyo ng bigas upang mabawasan ang bigat na pasanin ng ordinaryong mamamayan.

“Nowadays people would always say ‘kilay is life’, for a good majority of Filipino people, it’s not the kilay that completes their life neither a coke adds life to their daily existence! it is rice! Rice is a daily necessity, rice is life,” ayon pa sa mensahe ng Obispo na ipinadala sa Radio Veritas.

Kilala ang lalawigan ng Nueva Ecija bilang Rice Granary of the Philippines na pangunahing nagsusuplay ng bigas sa buong bansa.

Naunang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na tiyakin ang sapat na suplay ang bigas upang maging balanse ang presyo nito sa merkado.

Sa talaan ng Department of Agriculture, nasa 38 hanggang 60-pesos ang presyo ng kilo ng bigas sa mga pamilihan ng National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,816 total reads

 71,816 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,071 total reads

 107,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,371 total reads

 142,371 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,640 total reads

 368,640 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,078 total reads

 258,078 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top