Tree-planting isasagawa sa 400-years of Christianity ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 859 total reads

Maglulunsad ng tree planting activity ang Palawan bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa lalawigan.

Ayon kay Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, layunin ng proyekto na hikayatin ang mga mananampalataya na ipakita ang pagiging mabubuting katiwala ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng 400-punong-kahoy sa bawat parokya sa palawan.

Binubuo ng 64 na mga parokya at mission stations ang dalawang Apostoliko Bikaryato ng palawan kaya inaasahang makakalikha ito ng higit sa 25,000 punongkahoy na tiyak na makakatulong sa kalikasan.

“Sa ating pagdiriwang ng ika-400 na anibersaryo ng pagdating ng kristiyanong pananampalataya sa Palawan, [magtatanim] ang bawat parokya ng 400 na puno, ang ating ambag sa inang kalikasan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa kanyang pastoral letter.

Katuwang dito ng Apostolic Vicariate ng Taytay ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa na pinamumunuan ni Bishop Socrates Mesiona.

Samantala, iginiit naman ni Bishop Pabillo na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship na hamon sa bawat mananampalataya ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Sapagkat paliwanag ng obispo na nais ng Diyos na higit pang pagyamanin ang mga biyayang ipinagkaloob sa sangkatauhan.

“Bilang mabubuting katiwala, pinalalago natin ang mga biyaya Niya – hindi lang para sa ating sarili kun’di para din sa iba, kasi ang binibiyayaan ay pinagkalooban ng tungkulin na bahaginan din ang iba,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nauna nang sinabi ni Bishop Pabillo sa kanyang liham pastoral para sa Season of Creation na mahalagang pagyamanin at panatilihin ang mga likas na yamang likha ng Diyos upang patuloy na mapakinabangan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,779 total reads

 75,779 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,629 total reads

 110,629 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,929 total reads

 145,929 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,198 total reads

 372,198 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,482 total reads

 261,482 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,029 total reads

 155,029 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top