Voter’s education sa Barangay at SK elections, tiniyak ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 997 total reads

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga botante para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataang Election sa bansa.

Ayon kay PPCRV Director for Voter Education Dr. Arwin Serrano, nakahanda ang citizens arm na magbahagi ng voters education kahit wala pang katiyakan ang pagsasagawa ng halalang pambarangay dahil sa mga panukalang muling pagpapaliban nito.

Inihayag ni Serrano na kabilang sa mga impormasyong ibabahagi ng PPCRV sa mga botante ay ang kahalagahan ng barangay bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, sino-sino ang mga pwedeng lumahok at kung paano ang sistema ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

“Kahit na wala pang klarong mandato na talagang matutuloy siya [ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections] o magkakaroon ng panukala sa Kongreso para i-postpone siya but pwede na kaming magsimula na din ng voter’s education campaign naman para sa Barangay and SK, ano ang importansya ng Barangay, sino-sino ba ang pwedeng lumahok at paano ba nahahalal.” pahayag ni Serrano sa panayam sa Radio Veritas.

Sinabi ni Serrano na importante ang voter’s education sa kahalagahan at natatanging tungkuling ginagampanan ng Sangguniang Kabataan sa barangay.

Iginiit ni Serrano na malaman ng mga botante ang halaga ng tungkulin at responsibilidad ng mga mahahalal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

“Gayundin yung SK natin bakit ba siya meron pang SK despite napakarami naman nating mga youth organization sa barangay. So bibigyan natin ng pagpapahalaga yung importansya ng SK at saka yung buti na nagagawa nito doon sa mga kabataan at ganun din sa mga mahahalal na SK officials.” Dagdag pa ni Serrano.

Naunang kinundena ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling pagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.

Ayon kay Caritas Philippines national director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang muling pagpapaliban ng halalang pambarangay ay maituturing na pagsasawalang bahala sa kahalagahan at tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay.

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), aabot sa mahigit 42,000 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,071 total reads

 72,071 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,298 total reads

 107,298 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,598 total reads

 142,598 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,867 total reads

 368,867 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,301 total reads

 258,301 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top