Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Laban sa Disimpormasyon at Poot sa Social Media

SHARE THE TRUTH

 971 total views

Kapanalig, hindi natin matatatwa na ang ang social media sa ating bayan ay babad na babad sa disimpormasyon at poot. Naglipana ang fake news at hate speech sa internet. Ang nakakalungkot dito kapanalig, nasasalin na rin ito sa ating puso at isipan.

Ating naranasan sa kasagsagan ng pandemya na naging mas mahirap labanan ang sakit dahil sabay sabay ang pagdaloy ng siyentipikong impormasyon ukol sa COVID-19 at ng mga fake news ukol dito. Mas marami pa nga minsan ang naniniwala sa mga sabi-sabi at sa mga haka-haka ukol sa COVID-19 kaysa sa mga science-based information ukol dito. Mas madali kasing napapakalat ang fake news. Kadalasan, nakabalot pa ito sa mga mala-meme at mas nakaka-intriga o controversial na mga mensahe. Ayon nga sa Director General ng World Health Organization sa 2020 Munich Security Conference, hindi lamang pandemic ang ating nilabanan, pati na infodemic. Nakita natin kapanalig, na nakakamatay ang maling impormasyon. Pero, patuloy pa rin itong naglilipana.

Sa ating bansa, ang fake news ay patuloy pa rin habang unti-unti na tayong nakakabangon sa pandemya. Pinaigting pa ito ng katatapos na eleksyon. Hanggang ngayon, mainit pa rin ang paksyon sa social media. Nakahiwalay pa rin ayon sa kulay ng pulitika ang usapin ng marami. Mas lumalawig ang separasyon na ito dahil na rin sa patuloy na pagdami ng fake news at hate speech.

Ang social media kapanalig, ay malaking bahagi na ng ating buhay. Dito na tayo nag-didiskurso ukol sa maraming isyu ng lipunan. Tayo nga diba, ang social media capital sa buong mundo dahil tayo na ang may pinaka-mataas na social media usage – mahigit apat na oras kada araw. Liban pa dito, lampas pa sa 80% ng mga Filipino ang aktibo sa social media. Makapangyarihan ang social media sa ating bayan, kahit hina-hijack na ito ng mga manlilinlang.

Kapanalig, ibahin naman sana natin ang pag-gamit ng social media sa ating bansa. Gawin naman natin itong espasyo ng pag-ibig, pagkakaibigan, at liwanag. Andami ng Filipinong naniniwala sa social media, at karamihan, hindi kayang iberipika ang impormasyong kanilang nakakalap mula dito dahil maraming mga lehitimong news outlets o information sites ang may bayad o may paywall. Limitado din ang load nila.

Sa kanyang World Communications Day message noong 2018, sinabi ni Pope Francis, responsibilidad natin na  i-check ang source ng ating mga binabahagi sa social media at tiyakin na hindi tayo nagkakalat ng galit o takot. Gawin sana natin na araw-araw na praktis o gawain ang paglilinis ng ating puso, isip, pati na rin ng ating mga binabahagi online. Kapanalig, pag-ibig at katotohanan lamang ang ating i-share sa social media. Ito ang daan upang ating malabanan ang fake news at poot na naghahari ngayon sa social media.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 14,007 total views

 14,007 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 31,104 total views

 31,104 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 45,336 total views

 45,336 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 61,308 total views

 61,308 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 79,807 total views

 79,807 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 14,012 total views

 14,012 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 31,109 total views

 31,109 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 45,341 total views

 45,341 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 61,313 total views

 61,313 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 79,812 total views

 79,812 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 118,799 total views

 118,799 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

LUCKY 15

 122,032 total views

 122,032 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 125,852 total views

 125,852 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 130,255 total views

 130,255 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »
Scroll to Top