Seabed quarrying sa Cavite, tinututulan ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,025 total reads

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Imus ang isinasagawang seabed quarrying sa mga baybayin sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, hindi makatarungan ang nasabing proyekto sapagkat malaki na ang dulot nitong pinsala sa kalikasan lalo na sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Sinabi ng Obispo na lubha nang apektado ng quarrying ang hanapbuhay ng mga mangingisda sapagkat kaunti na lamang ang kanilang nahuhuli.

“Tinututulan ng Diyosesis, tinututulan ng inyong lingkod, ng buong kaparian ng diyosesis, ng ministry on ecology ang seabed quarry na ito,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista sa pagbubukas ng Season of Creation sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral.

Inanunsyo naman ni Bishop Evangelista na sa mga susunod na mga araw ay magsasagawa ng signature campaign ang diyosesis bilang panawagang pigilan ang mapaminsalang quarrying sa baybayin ng Cavite.

Panawagan din ng Obispo sa publiko, na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs ang pagtutulungan upang maisakatuparan ang pagpigil sa proyekto.

“Baka naman kayo’y may impluwensiya sa mga nasa gobyerno, pakisabihan naman ninyo. Huwag namang gawin ito. Kawawa ang ating karagatan at ang maraming mga tao. Magtutulong tulong tayo para maipahatid ito sa mga kinauukulan,” panawagan ni Bishop Evangelista.

Sa huli’y dalangin ni Bishop Evangelista na dinggin nawa ng mga kinauukulan ang hinaing ng publiko bilang pagtugon na rin sa tema ng Season of Creation ngayong taon na “Listen to the Voice of Creation”.

Ang malawakang paghigop at pagkuha ng buhangin sa municipal waters sa mga bayan ng Ternate at Naic ay hawak ng offshore mining firm na Silverquest Mining Resources Inc. (SMRI).

Magugunitang Oktubre nang nakaraang taon nang kasalukuyang nasa proseso pa lamang ng pagkuha ng environmental compliance certificate ang kumpanya para sa P12-billion SMRI Government Seabed Quarry Project.

Ito ay para sa 318-hectare Manila Waterfront Project na nagkakahalaga ng higit sa P34-bilyong land reclamation and development project ng Manila City Government at Waterfront Manila Premier Development sa Manila South Harbor sa bahagi ng Manila Bay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,834 total reads

 66,834 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,489 total reads

 102,489 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,789 total reads

 137,789 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,059 total reads

 364,059 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,687 total reads

 253,687 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,725 total reads

 154,725 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top