Ang “season of creation'”ay panawagan sa tao na pakinggan at kumilos sa panaghoy ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 834 total reads

Hinimok ni Baguio Bishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na gawing inspirasyon ang mensahe ng Burning Bush sa pagdiriwang ng Season of Creation.

Ang “burning bush” ang napiling simbolo ng Season of Creation ngayong taon na hango sa apoy ng Espiritu Santo na nangangahulugang nadidinig ng Diyos ang panaghoy ng mga naghihirap.

Kaugnay nito ang temang Listen to the Voice of Creation na tinatawag ang bawat isa na tapat na tumugon, manalangin, at kumilos para sa ating nag-iisang tahanan.

Ayon kay Bishop Bendico, ang panahon ng paglikha ay paanyaya sa bawat isa na pakinggan at saksihan ang mga nagaganap na pinsala sa kapaligiran.

Tinukoy ng Obispo ang patuloy na pagpasok ng extractive industries tulad ng pagmimina at quarrying na labis na nakakapinsala sa mga kabundukan at nakakaapekto sa mga katutubong komunidad.

Sinabi ni Bishop Bendico na hindi maikakailang mayroong hanapbuhay sa pagmimina ngunit, kailangang maging responsable ng malalaking kumpanya sa kanilang operasyon at isaalang-alang ang magiging kalagayan ng kalikasan at mga tao.

“We must also remind our small-scale miners to be responsible especially with the unregulated mining operations, and the use of toxic chemicals such as cyanide and mercury that destroy the environment,” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Bendico para sa Season of Creation.

Ibinahagi rin ng Obispo ang vegetable smuggling na nakakaapekto sa hanapbuhay ng mga lokal na magsasaka, at ang maling paggamit ng kemikal sa pagtatanim na maaari namang magdulot ng polusyon sa kalikasan at karamdaman sa mga tao.

Gayundin ang epekto ng konsumerismo at komersyalismo na sa halip na pag-unlad ay labis namang makakapinsala sa kalikasan at paghihirap ng mamamayan.

Panawagan ni Bishop Bendico na dapat isaalang-alang muna ang kahihinatnan ng mga nakararami bago maglunsad ng iba’t ibang proyektong makakaapekto sa kalikasan.

“Proper balance between economic and social developments should be tempered by environmental justice protection,” saad ni Bishop Bendico.

Dalangin naman ng Obispo na maging daan nawa ang pagdiriwang ng Season of Creation tungo sa pagkakaroon ng kamalayan hinggil sa unti-unting pagkasira ng kapaligiran at ang inisyatibong pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,848 total reads

 6,848 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,495 total reads

 8,495 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,031 total reads

 19,031 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,409 total reads

 56,409 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,679 total reads

 87,679 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 163,980 total reads

 163,980 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,270 total reads

 257,270 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,692 total reads

 73,692 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top