Pagkakaroon ng maayos na lipunan, tungkulin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,084 total reads

Ipaunawa sa mamamayan ang tungkulin ng simbahan tungo sa pagkakaroon ng maayos na lipunan.

Ito ang layunin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs sa paglulunsad ng 1st National Convention for Public Affairs’ Minister/Coordinator sa Diamond Hotel, Roxas Boulevard.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng komisyon na mahalagang maunawaan ng mamamayan ang mabuting layunin ng simbahan sa pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan.

Batid ng Obispo na karamihan sa mga tao ay nagagalit sa simbahan tuwing magpapahayag ng saloobin tungkol sa pamahalaan.

“Lumitaw nga ngayon na maraming dapat i-ayos even mentality ng tao. Parang para sa kanila kapag nagsalita ang simbahan tungkol sa mga concerns ng government ay nangingialam ang simbahan,” pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunita ang pagiging aktibo ng simbahan lalo na noong May 2022 National and Local Elections upang tulungan ang mga tao na makapili ng karapat dapat na ihahalal.

Ngunit iba ang naging pagtingin ng mamamayan tungkol dito at sinabing manatili na lamang ang simbahan sa pagpapahayag ng mabuting balita sa halip na mangialam sa mga gawain ng pamahalaan.

Nilinaw naman ni Bishop Evangelista na walang masamang hangarin ang simbahan sa pagpuna sa mga nangyayari sa lipunan at sa halip ay nais lamang ipabatid ang mga dapat na pagtuunan ng pamahalaan para sa ikabubuti ng nakararami.

Kaya naman sinisikap ng CBCP-ECPA ang pakikipagtulungan sa pamahalaan upang makatuwang sa pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

“Kaya dapat may boses ang simbahan. Kung papaano iaayos yun sa mentality ng mga tao its a process. Ofcourse yung collaboration nga ng simbahan sa government para matulungan at mapromote yung common good para sa society,” giit ni Bishop Evangelista.

Tema ng 2-day convention ang Church and State Collaboration and Conscientious Engagement in Serving the Nation na naglalayong mas patatagin pa ang ugnayan sa pagitan ng simbahan at pamahalaan para sa “common good”.

Pinangunahan ni Bishop Evangelista at Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-ECPA ang pagbubukas sa pagtitipon na dinaluhan naman ng mga Obispo at pari mula sa iba’t ibang diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 50,842 total reads

 50,842 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 98,714 total reads

 98,714 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 202,661 total reads

 202,661 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 288,775 total reads

 288,775 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 356,425 total reads

 356,425 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 164,606 total reads

 164,606 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top