Sa Ika-50 taon ng ‘Martial Law’: ‘Ipaglaban ang katotohanan,’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,097 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na natutuhan sa panahon ng Martial Law.

Ito ang mensahe ng cardinal sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngayong araw September 21.

Ayon kay Cardinal Advincula dapat itaguyod ng mamamayan ang mga aral upang maiwasang maulit ang madilim na kasaysayan.

“Huwag nawa nating kalimutan ang mga aral mula sa panahon ng Martial Law. Nakita na natin ang liwanag, huwag na tayong bumalik sa dilim,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang mga aral tulad ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao at pagtatanggol sa mga karapatan gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan na walang karahasan.

“Natutuhan nating pahalagahan ang buhay ng tao, itaguyod ang dignidad ng bawat isa at igalang ang karapatang pantao. Natutuhan natin na ang tunay na pag-unlad ay nakasalalay sa katarungan at kapayapaan. Natutuhan nating ipaglaban ang katotohanan,” giit ni Cardinal Advincula.

Bukod pa ang mga aral na pagpapahalaga sa demokrasya at kapangyarihan ng taumbayan at higit sa lahat ang pananampalataya at pananalig sa Diyos na nagliligtas at nagpapalaya sa mga biktima ng paniniil.

Tiniyak ng simbahan ang patuloy na panalangin para sa pagbubuklod ng bawat Pilipino upang matamo ng bansa ang pag-unlad at pag-iral ang kapayapaan sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,731 total views

 22,731 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 51,082 total views

 51,082 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,812 total views

 118,812 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,963 total views

 141,963 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,490 total views

 210,490 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top