471 total views
Tatlumpu’t isang porsiyento ng mga proyekto at programang nakapaloob sa 2023 national budget ay magmumula sa uutangin ng gobyerno.
Ito ayon kay House Appropriations Committee Chairman Representative Elizaldy Co sa isinagawagang plenary deliberation sa House Bill 4488 o ang 2023 General Appropriations Bill.
Ayon sa mambabatas, sa Fiscal year 2023 ay nasa P3.6 trillion pesos ang inaasahan ng national government na revenue- na magpopondo naman sa 69% ng 5.2 trillion pesos na program disbursement para sa susunud na taon.
“The P3.633 trillion revenue will fund about 69 percent of the P5.268 trillion programmed disbursements for FY 2023, obliging the national government to partly finance through borrowings about 31 percent of the expenditures,” paliwanag ni Co.
Nangangahulugan ito ng 31 porsiyento kakulangan sa budget na kukunin naman sa foreign at domestic creditors.
Sinabi pa ni Co na 95% ng inaasahang ‘kita’ ng gobyerno sa 2023 ay mula sa mga buwis habang ang 5% ay sa non-tax revenues at benta sa government assets.
“Of the total borrowings, P1,452.9 billion will be used to finance the deficit, settle P124.5 billion in maturing debt obligations, and the balance includes contributions to the bond sinking fund, and maintain sufficient cushion of cash in the National Treasury,” paliwanag ni Co.
Sa isang kalatas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na inilathala noong 1990, umaasa ang kalipunan na ang uutangin ay magamit para sa kabutihan ng mas nakakarami.
Paliwanag pa ng pahayag na nawa ay hindi maging daan ng mayayamang bansa at mga negosyante upang diktahan at maisulong ang pansariling interes sa mga papaunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas.