Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa Ika-50 taon ng ‘Martial Law’: ‘Ipaglaban ang katotohanan,’

SHARE THE TRUTH

 735 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na natutuhan sa panahon ng Martial Law.

Ito ang mensahe ng cardinal sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngayong araw September 21.

Ayon kay Cardinal Advincula dapat itaguyod ng mamamayan ang mga aral upang maiwasang maulit ang madilim na kasaysayan.

“Huwag nawa nating kalimutan ang mga aral mula sa panahon ng Martial Law. Nakita na natin ang liwanag, huwag na tayong bumalik sa dilim,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang mga aral tulad ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao at pagtatanggol sa mga karapatan gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan na walang karahasan.

“Natutuhan nating pahalagahan ang buhay ng tao, itaguyod ang dignidad ng bawat isa at igalang ang karapatang pantao. Natutuhan natin na ang tunay na pag-unlad ay nakasalalay sa katarungan at kapayapaan. Natutuhan nating ipaglaban ang katotohanan,” giit ni Cardinal Advincula.

Bukod pa ang mga aral na pagpapahalaga sa demokrasya at kapangyarihan ng taumbayan at higit sa lahat ang pananampalataya at pananalig sa Diyos na nagliligtas at nagpapalaya sa mga biktima ng paniniil.

Tiniyak ng simbahan ang patuloy na panalangin para sa pagbubuklod ng bawat Pilipino upang matamo ng bansa ang pag-unlad at pag-iral ang kapayapaan sa pamayanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,139 total views

 29,139 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,856 total views

 40,856 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,689 total views

 61,689 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,113 total views

 78,113 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,347 total views

 87,347 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top