Sa huli, katotohanan ang mananaig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,213 total reads

Mga Kapanalig, ang pagkapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa nakaraang halalan ay itinuturing ng ilan bilang sukdulan o rurok ng pagbabalik sa kapangyarihan ng kanyang pamilya. Patunay daw ito ng tagumpay ng pamilya Marcos na burahin sa alaala ng mga Pilipino ang isa sa malalagim na yugto sa ating kasaysayan—ang Batas Militar o Martial Law sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos, Sr, ang ama kasalukuyang presidente.

Sa araw na ito, eksaktong limampung taon na ang nakararaan, iprinoklama ng nakatatandang Marcos ang Martial Law. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081, inilagay niya sa kanyang mga kamay ang lahat ng kapangyarihan bilang tugon sa banta umano ng mga komunista at sa rebelyong nagaganap noon sa Mindanao.

Sa loob ng labing-apat na taon, inabuso ng rehimen ang kapangyarihan nito upang patahimikin ang itinuturing nitong mga kalaban. Mahigit tatlong libong kaso ng extrajudicial killings ang naitala. Nasa 35,000 katao ang tinortyur, at 70,000 ang ipinakulong. Marami ang nawala at hindi na muling nakita pa. Wika nga ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos, ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ay isang okasyon upang alalahanin ang libu-libo nating kababayang inialay ang kanilang buhay para sa kapayapaan, kalayaan, at katarungan.

Marami sa atin—lalo na ang mga nakababata—ang hindi na nalalaman ang yugtong ito sa ating kasaysayan. Dulot na rin ng social media at ng perang ibinuhos sa mga troll farms na nagpapakalat ng maling impormasyon at propaganda, may mga Pilipinong napaniwalang “golden age” ang panahong nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan. Mapayapa raw ang bansa noong panahon ng Martial Law. May disiplina raw ang mga tao. Hindi rin daw totoo ang mga paglabag sa mga karapatang pantao. Kung may mga namatay o sinaktan man, kasalanan iyon ng mga pasaway at panay ang kontra sa gobyerno. Naninira lang daw ang mga hanggang ngayon ay tumututol sa Batas Militar.

Ngunit hindi dapat mawalan ng loob ang mga hindi nakalilimot. Saad nga sa Mga Kawikaan 10:7, “Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman, ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.” Hangga’t nariyan ang mga tumatanaw sa nakaraan at ipinagtatanggol ang katotohanan laban sa mga pilit bumubura dito, mayroong pag-asa. Hangga’t may mga pumapanig sa katarungan at isinasabuhay ang leksyon ng kasaysayan, laging magniningas ang sulóng iilaw sa landas na tinatahak natin.

Ang pag-alaala sa mga biktima ng malalagim na yugto ng kasayayan, katulad ng Martial Law, ay mahalaga upang magising ang ating konsensya bilang isang bayan. Ang konsensyang ito—kung hihiramin natin ang mga salita ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti—ang babangon sa atin sa harap ng bawat pagnanais ng pangingibabaw at pagkawasak. Hindi ito madali lalo na sa gitna ng pamamayani ng kasinungalingang bumubulag sa napakarami sa atin. Hindi ito maliit na hamon lalo pa’t nariyan lagi ang tuksong kumapit sa pera at suhol kapalit ng ating katapatan sa ikabubuti ng bayan.

Ngayong anibersaryo ng Martial Law, maglaan sana tayo ng panahon hindi lamang upang alalahanin ang mga biktima ng mapang-abusong rehimen. Maging pagkakataon din sana ito upang pagnilayan natin kung tayo, bilang mga mamamayan, ay tunay na nga bang malaya mula sa pananamantala at pagsasantabi.

Mga Kapanalig, sabi nga ng pilosopong si George Santayana, “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.” Maraming masasamang bagay ang nauulit ngayon—karahasan, katiwalian, kasakiman, at kawalang-katarungan—dahil nililimot natn ang ating pinagdaanan noon. Makapangyarihan ang mga nanlilinlang sa taumbayan, ngunit tiyak tayong sa huli, mananaig ang katotohanan at hindi mabubura ninuman ang pinagdaanan ng ayting bayan sa ilalim ng diktadurang Marcos.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 89,180 total reads

 89,180 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 125,395 total reads

 125,395 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 159,527 total reads

 159,527 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 215,932 total reads

 215,932 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 89,181 total reads

 89,181 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 125,396 total reads

 125,396 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 159,528 total reads

 159,528 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 215,933 total reads

 215,933 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top