Video campaign against seabed quarrying, inilunsad ng Diocese ng Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total reads

Sinisikap ng Diyosesis ng Imus na paigtingin ang kamalayan ng publiko kaugnay sa operasyon ng seabed quarrying sa baybayin ng Cavite.

Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, naglabas na ng video campaign ang Ministri sa Kalikasan ng diyosesis na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon upang ipaliwanag ang masamang epekto ng seabed quarrying sa lalawigan.

Ipapalabas ang video sa mga parokya bago magsimula ang mga misa at pagtitipon upang maunawaan ng mamamayan ang kinakaharap na pagsubok ng diyosesis sa tungkuling panatilihin at pangalagaan ang mga likas na yaman laban sa mga mapaminsalang proyekto.

“Malinaw sa mga kaparian ng Diyosesis ng Imus ang ating layuning pigilan ang seabed quarrying dito sa Cavite. Sa ngayon, ine-educate natin ang mga tao tungkol sa magiging negative effects nito para malaman din nila ang magiging consequence nito sa mga tao lalo na sa mga community na mula sa dagat ang kabuhayan,” pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna nang inihayag ni Bishop Evangelista na magsasagawa rin ng signature campaign ang diyosesis bilang bahagi ng pagsisikap na labanan at pigilan ang quarrying operations sa lalawigan.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P500-milyon at may lawak na higit sa 8,000 ektarya na pagpapalawig sa San Nicolas Shoal Seabed Quarrying Project ng VIL Mines, Inc. sa baybayin ng Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, at Ternate, Cavite.

Ang San Nicolas Shoal ay isang sand bar o sand barrier na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad malapit sa dalampasigan laban sa malalakas na alon at pagtaas ng tubig.

Iginiit ni Bishop Evangelista na kapag nagpatuloy ang seabed quarrying, tuluyan nang masisira ang tahanan ng iba’t ibang yamang dagat, na magdudulot naman ng kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,060 total reads

 8,060 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 34,584 total reads

 34,584 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,143 total reads

 75,143 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 101,379 total reads

 101,379 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 149,646 total reads

 149,646 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,184 total reads

 170,184 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,368 total reads

 129,368 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top