Pangalagaan ang kawan, tungkulin ng bawat Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,019 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari ng Archdiocese of Cebu na kaakibat ng pagiging pastol ng simbahan ang tungkuling pangalagaan ang kawan lalo’t higit ang mga naisasantabi sa lipunan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa buwanang pagtitipon ng mga pari ng arkidiyosesis kung saan tinalakay ang pagiging makabagong ‘Jose’ sa kasalukuyang panahon na handang tanggapin ang kalooban ng Panginoon.

“As priests, the image of becoming like Joseph who is trusted with the care of all, with Mama Mary of the holy family of the universal church, but in a very special way, with the care of the little Jesus- the vulnerable, it is a sacred task, and indeed that is who we (priests) are,” ani Archbishop Palma.

Pinagnilayan ng mga pastol ng simbahan ng Cebu ang temang “Becoming the New Joseph: Guarding the Weak and the Vulnerable” bilang pagpapaigting sa kanilang pagpapastol lalo’t may iba’t ibang usapin na kinasasangkutan ang mga pari ng simbahan.

Nagbigay ng panayam sa pagtitipon si Department of Justice, Tacloban City Chief Prosecutor Atty. Ma. Liza Jorda tungkol sa ginanap na Safeguarding International Conference sa Roma at ang Civil Law hinggil sa Protection of Minors.

Matatandaang isa sa isinusulong ng Kanyang Kabanalan Francisco ang paglaban ng simbahan sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.

Umaasa si Archbishop Palma na magiging tapat ang mga pari sa pagpapastol sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

“We can only pray that as we thank in Lord for the gift of the priesthood, we may also be able not only to glorify God for this dignity of becoming priests but also that we may be true to our responsibility of taking care of the little ones, the vulnerable,” giit ni Archbishop Palma.

Sa datos ng Catholic Hierarchy 612 ang mga pari ng archdiocese na karamihan ay diyosesano habang katuwang ang mga relihiyosop sa pangangasiwa sa 174 na mga parokya sa buong lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 2,454 total views

 2,454 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 24,459 total views

 24,459 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 48,801 total views

 48,801 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,081 total views

 73,081 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 108,766 total views

 108,766 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top