Ipakilala si San Lorenzo Ruiz sa pamayanan, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total views

Hinimok ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na ipakilala sa pamayanan at tularan ang mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa kapistahan ng kauna-unahang Pilipinong santo nitong September 28.

Ayon sa arsobispo, tulad ng pagpaparangal ng Pilipinas sa mga indibidwal na tanyag sa iba’t ibang larangan dapat ding ipagmalaki si San Lorenzo Ruiz dahil sa natatanging taglay na katapangang manindigan sa pananampalataya.

“Sana ipakilala natin si San Lorenzo Ruiz bilang isang tunay na Pilipinong pwede nating hangaan at tularan… let us share his story, let us emulate his values,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Ikinagalak ng cardinal ang pangunguna sa banal na misa sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz o Binondo Church sa kapistahan ng santo sapagkat dito rin naglingkod si San Lorenzo noong ika – 16 na siglo.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang paninindigan ng santo para sa pananampalataya sa Diyos bagamat kapalit ang sariling buhay.

Hamon ng arsobispo sa mananampalataya na matutuhang manindigan sa pagiging matuwid, mabuti at matapat sa Diyos at paninindigan sa katotohanan sa banta ng laganap na fake news at misinformation sa lipunan lalo na sa social media.

“Sa tulong at awa ng Diyos at sa panalangin ni San Lorenzo Ruiz ang bawat isa nawa sa atin ay maging tunay na kristiyanong Pilipino na laging kalugod-lugod sa Diyos; ang tunay na krisitiyanong Pilipino ay mabuti ang kalooban at nananatiling mabuti kahit sa harap ng pang-uusig at kasamaan,” ani Cardinal Advincula.

Bukod sa mga deboto ni San Lorenzo Ruiz dumalo rin sa banal na misa ang may 200 katekista ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila bilang pagkilala sa pintakasi ng mga katekista.

Taong 1636 nang akusahan ng mga Español si Loreno Ruiz sa kasong pagpatay dahilan upang sumama sa mga Dominikanong pari na nagtungo ng Japan.

Dinakip si Lorenzo ng mga Hapon kasama ang mga layko dahil sa pagiging Kristiyano at dinala noong September 27, 1637 sa Nagasaki Japan.

Sa nasabing lugar pinahirapan si Lorenzo at mga kasamang martir dahil sa hindi pagtalikod sa pananampalataya hanggang sa pumanaw.

February 18, 1981 nang beatipikahan si San Lorenzo Ruiz ni St. John Paul II nang dumalaw ito sa Pilipinas habang October 18, 1987 nang ganap na itong mapabilang sa hanay na mga banal ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,544 total views

 30,544 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 58,895 total views

 58,895 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,625 total views

 126,625 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,776 total views

 149,776 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 217,717 total views

 217,717 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top