Maging anghel sa kapwa, hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 879 total reads

Hinamon ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na maging anghel sa kanilang kapwa.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael nitong September 29.

Ayon kay Cardinal Advincula, nawa’y maging masigasig ang bawat isa na kalingain ang kanilang kapwa lalo’t higit ang naisasantabi sa pamayanan.

“Hinahamon tayo ng mga Arkanghel na maging anghel din sa ibang tao, na maging tugon sa kanilang mapapait na panalangin, na magdala ng paghilom at hindi ng pananakit, panunugat; na magpamulat sa liwanag ng Diyos at maging kalakbay na presensya ng Diyos sa kanilang buhay,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng arsobispo na tulad ng mga anghel ay maging daan ang tao upang dalhin sa harapan ng Panginoon ang kanilang mga intensyon sa pamamagitan ng mga panalangin at tulungang maibalik sa landas ng Diyos.

Sinabi ni Cardinal Advincula na naisasagawa ito ng mga anghel sapagkat buo ang kanilang atensyong nakatunghay sa mukha ng Diyos.

“Hingin natin ang tulong at panalangin ng mga arkanghel upang mahilom tayo sa ating kabulagan sa Diyos, masilayan ang kanyang mukha, matanto at masunod ang kanyang kalooban,” giit ni Cardinal Advincula.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa sa National Shrine of St. Michael and the Archangel sa Malacañan Complex na dinaluhan ng mga deboto ni San Miguel Arkanghel.

Ang parokya ay itinatag noong 1620s at ang kauna-unahang simbahang itinalaga kay San Miguel Arkanghel.
Kasalukuyan itong pinamumunuan ni Fr. Genaro Diwa katuwang sina Fr. Herbert John Camachoat Fr. Edgar Macalalag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 49,647 total reads

 49,647 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 97,518 total reads

 97,518 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 201,466 total reads

 201,466 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 287,580 total reads

 287,580 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 355,298 total reads

 355,298 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top