Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 810 total reads

Mga Kapanalig, sa panahong ito, hindi na tayo nagugulat sa matitinding bagyong dumadaan sa ating bansa katulad ng huling bagyong tumama sa atin, ang Super Typhoon Karding.

Walong kababayan natin ang iniulat na namatay—kasama ang limang rescuers na naipit sa flash flood sa Bulacan. Nakikiramay tayo sa kanilang naiwang mga pamilya, at ipinagdarasal natin ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa.

Libu-libo naman ang inilikas mula sa kanilang mga tirahang nasa delikadong mga lugar. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa mahigit 11,000 pamilya o lampas 45,000 katao ang namalagi sa mga evacuation centers sa kasagsagan ng bagyo. Dasal nating magkaroon sila ng lakas ng katawan at lakas ng loob upang bumangong muli sa trahedyang kanilang naranasan.

Pinakamatindi naman ang epekto ng bagyo sa sektor ng agrikultura. Dinaanan ng Bagyong Karding ang Gitnang Luzon na pangunahing rehiyong nagpo-produce ng palay. Tinatayang nasa mahigit 160 milyong piso ang halaga ng nasirang mga pananim. Siguro naman ay may plano para sa ating mga magsasaka ang Department of Agriculture, na pinamumunuan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Bagamat sanay na tayong bisitahin ng mga bagyo, ang malalakas at mapaminsalang mga bagyo, katulad ng Bagyong Karding, ay sinasabing bunga ng climate change. Mismong si Pangulong Marcos Jr na nga ang nagsabi sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly na “uneven” ang mga epekto ng climate change. Ibig sabihin, ang mga bansang kakatiting lamang ang kontribusyon sa tinatawag na greenhouse gases, na sanhi ng pag-init ng ating planeta, ay dumaranas ng pinakamatitinding epekto ng pagbabago ng klima. “Those who are least responsible suffer the most,” aniya. Mapangangatawanan kaya ng kasalukuyang administrasyon ang mga binanggit ng pangulo sa UN tungkol sa climate justice?

Bago pa man ang talumpating iyon ng ating presidente, matagal nang nananawagan ang maraming grupo ng tinatawag na climate justice. Kinikilala ng climate justice na ang problema sa climate change ay hindi lamang problemang pangkalikasan. Nakaugat din ito sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Kinikilala nitong magkakaiba ang epekto ng pagbabago ng klima sa mga bansa, bayan, at komunidad, at na nasa ilang mga bansa at mga negosyo ang mas mabigat ang responsibilidad upang tugunan ang krisis na ito. Kinikilala rin ng climate justice na mas pinatitindi ng climate change ang kawalang katarungang dinaranas ng mga matagal nang isinasantabi, katulad ng mga magsasaka, maliliit na mangingisda, at maralitang tagalungsod.

Ang masaklap pa, wala na nga tayong kakayanang proteksyunan ang sarili natin laban sa mga epekto ng climate change, patuloy ang pag-abuso sa ating kalikasan at mga likas-yaman. Tila katulad ng sinasabi sa Genesis 6:5, “laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig.” Ginagawa ito ng malalaking industriyang pagmamamay-ari ng mga dayuhan, kasabwat ang mga lokal na negosyante at maging ng gobyerno. Nariyan ang pagmimina, pagtotroso, at malalawak na plantasyon. Paano natin makakamit ang climate justice kung mismong mga nasa poder ang nagpapahintulot at nakikinabang sa pagsira sa ating kalikasan?

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, inihalintulad ni Pope Francis ang pagtangis ng daigdig sa pagtangis ng mahihirap. Hindi lamang ito pagtangis dahil sa sakit at pagdurusa; pagtangis ito upang magising—at kumilos—ang mga responsable sa pagsira sa kalikasan at sa paghihirap ng mga pinakaapektado ng climate change. Kasama ang Simbahan sa pagkalampag sa mga nagpapatindi ng climate change, ngunit marami pa tayong kailangang gawin kasabay ng pagtulong sa mga kababayan nating nasasalanta ng mga kalamidad katulad ng Bagyong Karding.

Kaya mga Kapanalig, huwag lang tayo masanay sa paulit-ulit na mga bagyo at sa paulit-ulit na pagbangon mula sa mga kalamidad. Sanayin din natin ang ating mga sariling laging iugnay ang climate change sa usaping pangkatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,524 total reads

 15,524 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 32,949 total reads

 32,949 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,929 total reads

 72,929 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,056 total reads

 107,056 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,462 total reads

 163,462 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 32,950 total reads

 32,950 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,930 total reads

 72,930 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,057 total reads

 107,057 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,463 total reads

 163,463 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top