Isabuhay ang diwa ng Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total views

Hinikayat ni Baguio Bishop Victor Bendico ang mananampalataya na patuloy na isabuhay ang diwa ng Season of Creation na pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Bendico, sa pagtatapos ng pagdiriwang sa panahon ng paglikha ay dapat manatili sa buhay ng mga tao ang mga iniwang paalala at aral na patuloy na magmalasakit at madinig ang panaghoy ng kalikasan sa pinsalang idinulot ng mga pang-aabuso.

Sinabi ng Obispo na kailangang magampanan ng tao ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha at itaguyod ang espiritwalidad ng kamalayang ekolohikal.

“Let us do our part and the environment reciprocates so. Please always bear in mind, that the Season of Creation does not end today. We just formally culminate it but the season of creation continues in our daily living,” bahagi ng mensahe ni Bishop Bendico.

Binigyang-diin ni Bishop Bendico na nilikha ng Diyos ang mga likas na yaman upang matutunan at maunawaan ng mga tao ang mahalagang tungkulin ng pagiging mabuting tagapangalaga ng sangnilikha.

Iginiit ng Obispo na ang ating nag-iisang tahanan na sa halip na abusuhin ay dapat na pagyamanin upang mapanatili ang ganda ng kapaligiran para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Hinikayat naman ni Bishop Bendico ang bawat isa na ipakita ang pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan katulad ng pag-iingat at pangangalaga tao sa kanyang sarili at maipadama ang paggalang sa Poong Maykapal.

“As such, what we do to creation, we do it to ourselves. How we treat the environment is a measure of our stewardship – a sign of our respect for the creator,” ayon kay Bishop Bendico.

Nagtapos ang Season of Creation sa bansa sa paggunita sa Indigenous Peoples’ Sunday bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 20,756 total views

 20,756 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 56,546 total views

 56,546 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 98,438 total views

 98,438 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 151,885 total views

 151,885 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 177,372 total views

 177,372 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top