NEDA, binatikos ng KADAMAY at IBON foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total views

Binatikos ng IBON foundation at Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY ang panawagan ng opisyal ng National Economic Development Authority sa mamamayan na bawasan ang labis na pagbili.

Iginiit ni Eufemia Doringo, Secretary General ng KADAMAY, na pang-iinsulto sa mga mahihirap ang panawagan ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na bawasan ang labis na pamimili upang hindi tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Binigyan-diin ni Doringo na walang pagpapahalaga ang pamahalaan sa sektor ng mga mahihirap na halos walang maipambili ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Pinatunayan naman ni Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation na walang kakayahan ang maraming pamilyang Pilipino na gumastos ng labis batay sa kanilang mga datos at Philippine Statistics Authority.

Tinukoy ni Africa ang pag-aaral ng IBON at PSA sa 3rd quarter ng taong 2022 na 19.4-milyong pamilya ang walang ipon habang tatlo sa bawat apat na pamilya ang sapat lamang ang kinikita sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

“Hindi tama na sabihin sa kanila na magbawas sa pagbili, kasi ang kailangan nga nila ay ayuda para madagdagan ang binibili, lip service lang din ang sinasabing suporta sa produksyon kung wala naman itong kaakibat na sapat na budget,” paglilinaw ni Africa sa Radio Veritas.

Sa halip na maliitin ang mga mahihirap, pinayuhan ni Doringo at Africa ang NEDA at pamahalaan na ipatupad ang reporma sa sektor ng ekonomiya at mga polisiya na tutulong sa mahihirap na mamamayan na mapalakas ang “purchasing power”.

Iminungkahi ni Doringo at Africa sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mga polisiyang magpapababa sa presyo ng mga produktong petrolyo, pangunahing bilihin, pagtatanggal at pagbawas sa excessive Value Added Tax.

Kabilang din ang pagtatakda ng iisang national minimum wage at family living wage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 66,363 total views

 66,363 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 140,977 total views

 140,977 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 221,056 total views

 221,056 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 264,195 total views

 264,195 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 261,290 total views

 261,290 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top