Medical investigation, panawagan ng mga katutubo sa diarrhea outbreak sa Sierra Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Kinundena ng mga makakalikasan at katutubong grupo ang kawalang pagkilos ng pamahalaan sa nangyayaring diarrhea outbreak sa mga katutubong pamayanan sa lalawigan ng Rizal at Quezon.

Ayon kay Kakay Tolentino, tagapagsalita ng Network Opposed to Kaliwa, Kanan, and Laiban Dams, kailangan nang magsagawa ng medical investigation at relief operations para sa mga katutubong Dumagat ng Tanay, Rizal at General Nakar, Quezon.

Nananawagan din ang grupo sa administrasyong Marcos para sa agaran at tiyak na pagtugon sa mga katutubong apektado ng nangyayaring outbreak.

“We cannot have a president who prioritizes leisure at a time when the Filipino people are suffering. This Indigenous Peoples’ Month, what we need is a strong commitment to uphold the rights of our indigenous peoples to a safe and healthy environment, and to put a stop to destructive projects taking place in their lands.” pahayag ni Tolentino.

Nagsimula ang diarrhea outbreak sa komunidad ng mga Dumagat sa lalawigan ng Quezon at Rizal sa bahagi ng Sierra Madre matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding noong Setyembre 25, 2022.

Makaraan ang isang linggo, siyam na Dumagat ang nasawi habang hindi bababa sa 100-katao ang nagkasakit sa katutubong pamayanan.

Itinuturo naman ni Kalikasan People’s Network for the Environment national coordinator Jon Bonifacio na sanhi ng paglaganap ng outbreak ang tinututulang pagtatayo sa Kaliwa Dam.

“With the scale of ecological disruption brought about by big projects such as the Kaliwa Dam, there’s no telling what the downstream effects are in store for local communities. Unfortunately, these may include disease outbreaks, such as this.” ayon kay Bonifacio.

Suportado naman ng Kalikasan PNE ang panawagan para sa medical investigation lalo na’t lubos na ring apektado ng outbreak ang hanapbuhay ng mga katutubo.

Batay sa tala, 33-porsyento ng 14-17-milyong mga katutubo sa Pilipinas ang naninirahan sa bulubundukin ng Sierra Madre kung saan nananahan ang mga Katutubong Dumagat.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,477 total reads

 3,477 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 26,891 total reads

 26,891 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 67,451 total reads

 67,451 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 94,083 total reads

 94,083 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 142,350 total reads

 142,350 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 163,231 total reads

 163,231 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,033 total reads

 129,033 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top