Pagbabago sa liderato ng mga parokya sa Archdiocese of Manila, ipapatupad sa Nobyembre 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 961 total reads

Nagpatupad ng pagbabago ang Archdiocese of Manila sa assignment ng mahigit 200 mga pari ng arkidiyosesis.

Sa bisa ng kautusan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ipinatupad ang reshuffling ng mga pari sa 93 mga parokya kasama ang ilang chaplaincies na sakop ng arkidiyosesis.

Kabilang sa itinalaga ng cardinal si Msgr. Rolando Dela Cruz bilang bagong rector ng Manila Cathedral kahalili ni Fr. Reginald Malicdem na itinalagang chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station ng Landmark at SM Chapels sa Makati City.

Nanatili si Msgr. Clemente Ignacio bilang Vicar General at Moderator Curiae ng arkidiyosesis habang nauna nang itinalaga si Fr. Isidro Marinay bilang Chancellor.

Pamumunuan ni Fr. Jerome Secillano ang Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine katuwang si Fr. Matthieu Dauchez.

Naunang itinalaga ni Cardinal Advincula si Fr. Rufino Sescon bilang Rector at Parish Priest sa Minor Basilica of the Black Nazarene kahalili ni Msgr. Hernando Coronel na kasalukuyang nasa misyon sa Yukon Canada.

Samantala mananatili si Fr. Roy Bellen sa media arm ng arkidiyosesis ang Archdiocese of Manila Office on Communication, TV Maria at Radio Veritas 846 kasabay ng pagkakatalagang Team Ministry member ng National Shrine and Parish of the Sacred Heart sa Makati City.

Mananatili rin si Fr. Anton Pascual sa Caritas Manila ang social arm ng arkidiyosesis at sa Radio Veritas.

Matatandaang naantala ang reshuffling ng Manila clergy makaraang italaga ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Dicastery for Evangelization sa Vatican noong 2019.

Inaasahang sa Nobyembre magsisimula ang pagbabago ng liderato ng mga parokya sa buong arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,384 total reads

 52,384 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,915 total reads

 131,915 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,362 total reads

 165,362 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,660 total reads

 200,660 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,099 total reads

 425,099 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top