Bawat binyagan, tinatawagan maging misyunero-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 838 total reads

Ang bawat binyagan ay tinatawagan na magsilbing tunay na misyunero ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ito ang ibinahagi ni Cardinal Luis Antonio Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa pinangunahang banal na misa sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa paggunita ng World Mission Sunday.

Ayon sa Cardinal, ang pagiging misyunero ng Panginoon ay hindi lamang tumutukoy sa mga pari, madre at iba pang mga lingkod ng Simbahan sa halip ay para sa lahat ng mga binyagan.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pagiging misyunero ng bawat binyagan na nasasaad sa bibliya ay binigyang diin sa Vatican II.

“When we hear the word missionary we often think only of priests, sisters or some dedicated lay people who especially outside of their home countries, yung mga ipinapadala sa ibang lugar para magmisyon. Totoo po naman yun, but this day is also a reminder to all of us of the biblical and also especially affirmed by Vatican II that ‘the whole Church, all baptized people by being baptized is a missionary’.”pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Cardinal na ang paggunita ng World Mission Sunday ay isang paalala sa bawat isa na kaakibat ng pagiging binyagan ang pagiging isang misyunero ng Panginoon.
Tinukoy ni Cardinal Tagle ang pambihirang papel ng mga Overseas Filipino Workers sa pagiging tunay na misyunero ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pagsasabuhay ng mga turo ng Simbahan.

Tema ng World Mission Sunday ngayong taon ang “You shall be my witnesses” na sinasabi ng Santo Papa Francisco na paalala sa bawat isa ng ugnayan kay Hesus bilang isang misyonero.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang pagiging misyunero ay hindi lamang sa salita sa halip ay pagpapatotoo sa mga turo ng Panginoon at pagsasabuhay nito.

“Pope Francis choose the theme the words of Jesus to his disciples “You shall be my witnesses”, our world today need these form of mission as witnessing. Pagpapatotoo kay Hesus through words,through also our actions, our relationships, the quality of our person that everything that we do, that we are, that we say be a testimony to the truth of Jesus. Sometimes we proclaim the good news but our attitudes in our lives, deny immediately the word that we just said.”pahayag ni Cardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 27,535 total reads

 27,535 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 128,800 total reads

 128,800 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 198,975 total reads

 198,975 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 285,472 total reads

 285,472 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 326,489 total reads

 326,489 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 59,647 total reads

 59,647 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top