Cardinal Advincula, aminadong hindi naisasabuhay ng Simbahan ang itinuturo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

Kinilala ng arsobispo ng Maynila ang pangangailangan ng mananampalataya na simbahang kumikilos at nagsasabuhay sa mga Salita ng Diyos.

Ayon kay Cardinal Jose Advincula hindi sapat sa mamamayan ang pangangaral ng mga pastol sa simbahan kundi tinitingnan din ang kakayahang isabuhay ang mga itinuturo.

Batid ng arsobispo na marami ang nananamlay ang pananampalataya at tinalikuran ang simbahan dahil sa kakulangang maramdaman ang paglingap lalo na sa higit nangangailangan.

“People today are no longer satisfied with words alone. We want to hear words backed up by concrete actions. We want a Church that walks the talk and puts into action what we preach,” saad ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na sinisikap ng simbahang itaguyod at isabuhay ang bawat turo ng Panginoon at maging magandang ehemplo sa pamayanan.

“Not a few have drifted away from the Church becuase they felt that the so-called reigious people are nothing but a collection of hypocrites and posers,” dagdag ng arsobispo.

Hamon ng cardinal lalo na noong World Mission Sunday na paigtingin ang pagpapalawak ng misyon ng simbahang abutin ang bawat mananampalataya kabilang na ang ‘unchurched people’ at ipadama ang diwa ng pag-ibig ni Kristo.

Sa kasalukuyan tinatalakay din sa pagtitipon ng Federation of Asian Bishops Conferences sa Thailand ang resulta ng synodal consultations sa Asya upang alamin ang kalagayan ng mga simbahan ng bawat bansa.

Sa Pilipinas bagamat mayorya o higit sa 80 milyon ang mga katoliko ay naitala naman ang 41 porsyento lamang ang aktibong nakikilahok sa mga religious gatherings lalo na sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya tuwing Linggo.

Naunang naglabas ng circular ang CBCP na naghihikayat sa mamamayang personal na dumalo sa Banal na Misa sa mga simbahan kasabay ng pagluwag ng mga panuntunan ng bansa sa COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,573 total reads

 79,573 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,133 total reads

 120,133 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,184 total reads

 143,184 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,452 total reads

 191,452 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,444 total reads

 210,444 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top