Caritas Philippines, nanawagan ng “trash free” UNDAS 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

Hinimok ng opisyal ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na tiyaking napapangalagaan ang kapaligiran kasabay ng paggunita sa Undas 2022.

Ayon kay Fr. Antonio Labiao, Jr, executive secretary ng NASSA/Caritas Philippines, bilang mga mabubuting katiwala ng inang kalikasan ay dapat ipakita ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kapaligiran katulad ng pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa ginanap na Untrash Undas: Enforce B.T.S. (Bawal magTapon sa Sementeryo) Policy ng EcoWaste Coalition sa Manila North Cemetery.

“It’s our shared responsibility to ensure that our environment, which includes us all, is protected against practices that pollute and degrade it… Let’s make our cemeteries trash-free,” pahayag ni Fr. Labiao.

Ipinaliwanag naman ni EcoWaste Zero Waste Campaigner Jove Benosa na layunin ng B.T.S Policy na hikayatin ang mamamayan na huwag magkalat ng anumang basura sa mga sementeryo sa pagbisita sa mga puntod ng mga yumao ngayong Undas.

Ang panawagan ay kaugnay na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa lalo na’t patuloy ang pagluwag ng mga panuntunan laban sa COVID-19.

“We appeal to our fellow Filipinos to make this year’s observance of Undas different from the pre-pandemic celebrations marred by tons of garbage left by cemetery visitors and vendors. Enforcing B.T.S. (no littering in the cemetery) and taking other practical steps to minimize other forms of environmental pollution will contribute to a cleaner and healthier commemoration of Undas,” ayon kay Benosa.

Batay sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority noong 2019, umabot lamang sa 14 na truck ng basura ang nakolekta mula sa 27 sementeryo sa kalakhang Maynila noong ginunita ang Undas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 75,065 total reads

 75,065 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 115,624 total reads

 115,624 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 139,072 total reads

 139,072 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 187,340 total reads

 187,340 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 206,509 total reads

 206,509 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 131,211 total reads

 131,211 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top