EHEF, ilulunsad sa buwan ng Nobyembre 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total reads

Muling ilulunsad ng Delegation of the European Union sa Pilipinas ang European Higher Education Fair (EHEF) para hikayatin ang mga Pilipinong mag-aral sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa mga bansang kasapi ng EU.

Bilang pagdiriwang sa European Year of Youth 2022 tampok sa EHEF ang temang ‘Youth for Excellence and Innovation’ bilang pagbibigay halaga sa tungkulin ng mga kabataan sa pag-unlad ng lipunan.

“This is to highlights the important role of young people in advancing education, science and research to build a better future – greener, more inclusive and digital,” bahagi ng pahayag ng EU.

Sa pamamagitan ng EHEF ay matutulungan ang mga Pilipinong estudyante, guro, mananaliksik at maging mga kawani ng iba’t ibang unibersidad sa bansa na maipagpatuloy ang paghuhubog sa mga world class higher education institutions sa European Union member States.

Sa ginanap na press conference ng EU Delegation sa Shangrila Plaza sa Mandaluyong City nitong October 27, 2022 ibinahagi ng mga Erasmus Alumni at iba pang scholarship program ng EU ang kanilang karanasan sa pag-aaral sa mga unibersidad sa Europa.

Kabilang sa nagbahagi si Georcelle Dapat-Sy o Teacher Georcelle ng G-FORCE na binigyang diin ang kahalagahan ng edukasyon sa paglinang ng kaalaman gayundin ang karanasan sa iba’t ibang kultura at tradisyon sa Europa.

Gaganapin ang European Higher Education Fair sa November 18 at 19 sa Shangri-La Plaza Atrium kung saan mahigit sa 90 higher education institutions ang makikilahok mula sa bansang Belgium, Czech Republic, Germany, Ireland, Spain, France, Italy, Hungary, Netherlands, Poland, Austria, Finladn, at Sweden.

Ayon kay EU Charge de Affaires Dr. Ana Isabel Sanchez Ruiz magandang pagkakataon itong mas lumawak ang kaalaman na makatutulong para sa pagpapaunlad ng sarili at sa pamayanan.

Sa mga nais dumalo sa EHEF, maaring magprehistro sa ehefphilippines.com o bisitahin ang EHEF Philippines sa Facebook, Instagram at Twitter para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 59,040 total reads

 59,040 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 95,209 total reads

 95,209 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 130,508 total reads

 130,508 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 356,779 total reads

 356,779 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 246,902 total reads

 246,902 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top