Simbahan kaisa ng LGUs sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 946 total reads

Tiniyak ng mga Obispo na palaging kaisa ng simbahang katolika ang bawat mamamayan higit na ang mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, handang tumugon sa anumang oras ng pangangailangan ang buong simbahan katuwang ang mga Local Government Units (LGU).

Ito ay upang agad na maipadala ang pangangailangan ng mamamayang maapektuhan ng anumang sakuna.

“Ang simbahan po ay laging handang tumulong sa mga nasasalanta ng bagyo at ganun na lang po ang inilalaan ng simbahan ang mga resources para ang pagtulong ay mapaabot para sa lahat,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Gaa.

Paalala naman ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan sa oras ng kalamidad upang agad na matulungan ang mga mangangailangan.

Dahil narin sa lawak ng pinsalang idinulot ng Bagyong Paeng muling nanawagan si Bishop Pabillo ng pagpapaigting sa pangangalaga ng kalikasan.

“Ito sana’y paalala rin sa atin ng climate change, kaya mas seryosohin na natin ang pangangalaga sa kalikasan kasi dumadalas na ang bagyo at mas nagiging malakas na ang bagyong dumadating sa atin, so panawagan natin na magkaroon ng ecological conversion, para po sa pagbabago ng lifestyle upang maiwasan ang climate change,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Parehong tiniyak nila Bishop Gaa at Bishop Pabillo ang pananalangin para sa mga Pilipinong nasalanta ng Bagyong Paeng.

Una ng ipinaabot ng Caritas Manila sa tulong ng Coca-cola Foundation ang paunang 500-libong pisong tulong sa Archdiocese of Cotabato na lubhang nasalanta ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 41,056 total reads

 41,056 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 88,927 total reads

 88,927 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 192,875 total reads

 192,875 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 278,989 total reads

 278,989 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 347,160 total reads

 347,160 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top