75-taong pagkatatag ng Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,130 total reads

Umaasa ang pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer de Mamatid na magdulot ng malalim na pananampalataya ang pagdiriwang ng anibersaryo ng simbahan.

Ayon kay Fr. Gomer Torres, Rector at Parish Priest ng dambana, sinisikap nitong isabuhay ang layunin ng patron na ipadama ang diwa ng pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.

Aniya, nawa’y paigtingin ng mananampalataya ang pagnanais na mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng mga halimbawang ipinamamalas ni San Vicente Ferrer.

“Ang hamon ko lang sa mga parishioners ay mas palalimin pa rin ang kanilang pananampalataya, pagkilala at debosyon kay San Vicente Ferrer; ang talagang layunin naman ni San Vicente Ferrer ay hindi lamang iparamdam ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao kundi akayin ang mga tao na magmahal din sa Diyos,” pahayag ni Fr. Torres sa panayam ng Radio Veritas.

Nitong October 28 ay ipinagdiwang ng dambana ang ika – 75 anibersaryo ng pagkakatatag kung saan pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Misa pasasalamat.

Kasabay ng pagdiriwang ang opisyal na pagsara ng Jubilee Door ng parokya kung saan ayon kay Cardinal Advincula ay hudyat upang muling pag-alabin ng bawat isa ang sigasig ng paglilingkod.

“Ang pagsasara ng Jubilee Door ngayon ay hindi sumisimbolo ng pagwawakas ng pagdiriwang ng pagbibiyaya ng Diyos o ng ating misyon bagkus hinuhudyat nito ang pananabik sa muling pagbubukas sa susunod na hubileyo at ang angkop na pag-aantabay dito sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa,” ani Cardinal Advincula.

Samantala, sinabi ni Fr. Torres bagamat isinara ang Jubilee Door ng dambana ay mananatiling makatatanggap ng indulhensya ang mga dadalaw sa pandiyosesanong dambana ni San Vicente.

Binasbasan din sa pagdiriwang ang Garden of Peace ng parokya kung saan ilalagak ang urn ng abo ng mga yumaong kaanak.

Bukod kay Cardinal Advincula at Fr. Torres, dumalo rin sa pagtitipon si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, mga bisitang pari at daan-daang deboto ni San Vicente Ferrer.

Inaanyayahan ni Fr. Torres ang mananampalataya na dumalaw sa dambana at makiisa sa devotional masses tuwing Biyernes sa alas singko ng hapon at alas siyete ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 22,479 total reads

 22,479 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 53,751 total reads

 53,751 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 132,283 total reads

 132,283 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 226,509 total reads

 226,509 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 286,321 total reads

 286,321 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top