533 total views
Patuloy na Binabantayan ng mga Social Action Centers ng Diocese of San Pablo at Diocese of Imus ang kalagayan ng mga nasasakupang lugar matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Father Michael Cron – Social Action Director ng Diocese of Imus, nanatiling mataas ang baha sa bayan ng Noveleta, Kawit at Santa Isabel sa Cavite.
Balakin din ang tubig baha upang makapag-simula ng assesment ang Diyosesis kung kaya’t pinapahupa muna ito.
“Hindi makapag ikot ang DSAC na nasa Cavite City kung bukas ay bumaba na ang tubig ay magiikot sila at magsasagawa ng Rapid Assessment,” ayon sa mensaheng ipnadala ni Father Cron sa Radio Veritas.
Ayon kay Ms.Ava Istino – SAC Coordinator ng Diocese of San Pablo, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng assesment sa mga naapektuhan ng bagyo.
Prayoridad din ayon pa kay Ms.Istino ang pag-tiyak sa mga pangangailangan katulad ng pagkain at malinis na inuming tubig ng mga residenteng nasalanta upang agad na makapamahagi ng suplay.
“Mabilis na humupa ang baha kumpara noong nakaraan may ilang kalsada patungon Famy ang naapektuhan ng landslide,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Istino sa Radio Veritas.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga nasalantang Diyosesis upang agad na makapamahagi ng tulong.
Una ng namahagi ng 500-libong pisong paunang tulong sa Archdiocese of Cotabato habang tig 200-libong piso namang financial assitance ang agad na ipinamahagi sa mga Diyosesis ng Kalibo, Antique, at Capiz