Gawing litter-free ang mga sementeryo, panawagan ng LGU sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Hinimok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang publiko na magkaisa para mapanatiling malinis ang mga sementeryo sa paggunita ng Undas.

Ipinaalala ni Belmonte ang kahalagahan ng kalinisan ng kapaligiran para sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng ibisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

“We appeal to the general public to keep the cemetery environment free of litter for the health, safety and convenience of everyone. Keeping our cemeteries litter-free is not only pleasing to the eye, but also a good way to show our awareness and responsibility towards the environment,” pahayag ni Belmonte.

Ginawa ng alkalde ang pahayag bilang pagsuporta sa kampanya ng EcoWaste Coalition na Untrash Undas: Enforce B.T.S. (Bawal magTapon sa Sementeryo) upang isulong ang malusog at ligtas na paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Day.

Ayon naman kay EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero, katulad ng pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay ay nararapat isaalang-alang ang pangangalaga sa kapaligiran.

Iginiit ni Lucero na ang pagkakalat ng basura ay paglabag sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, gayundin sa umiiral na Quezon City Environment Code.

Sa mga nakalipas na Undas, karaniwang naiiwan na sa mga sementeryo ang mga natirang pagkain, single-use plastic bags, at mga upos ng sigarilyo.

Matatagpuan naman sa Quezon City ang mga pampubliko at pribadong sementeryo tulad ng Bagbag at Novaliches Public Cemetery, Himlayang Pilipino Memorial Park; gayundin ang Christ the King Columbary, Mount Carmel Shrine Columbarium, at iba pa.

Nauna nang hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang publiko na igalang ang mga nakahimlay at gunitain nang taimtim ang Undas sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 217,632 total reads

 217,632 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,305 total reads

 252,305 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,205 total reads

 268,205 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 304,695 total reads

 304,695 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,391 total reads

 310,391 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,393 total reads

 93,393 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top