Itigil na ang stigma at diskriminasyon sa HIV/AIDS patients.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 475 total reads

Malaking hamon para sa CBCP Episcopal Commission On Healthcare ang patuloy pagdami ng kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas.

Dahil dito hinimok ni Rev. Father Dan Vicente Cancino, MI – Executive Secretary ng komisyon ang mamamayan na simulan sa simple at kongkretong aksiyon ang pagtulong sa mga HIV/AIDS patients.

Aminado si Father Cancino na hindi sapat ang mga diskusyon at pagpaplano, sa halip dapat magkaroon ng sistematikong aksiyon ang pamahalaan, mamamayan lalo na ang Simbahan para sa mga HIV/AIDS patients.

“Dapat concrete steps, at hinahamon tayo, ano yung concrete steps na gawin sa kanila? Hindi sapat yung discussion lamang, hindi sapat yung pag-usapan lamang natin sila. Noong nakita natin sila, napagnilayan natin yung ating pananampalataya, at turo ng katolikong simbahan. Pagkatapos nung important step na yun, ang pinaka important ay yung act, ano pa yung magagawa natin?” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Iginiit ng pari na ang pagsugpo sa diskriminasyon na dinaranas ng mga pasyente ay napalaking tulong upang ipadama sa mga ito ang awa at pagmamahal ng Panginoon. “Let’s stop the stigma and discrimination, tao din sila katulad natin, nilikha din ng Panginoon katulad din natin may dignidad rin sila kaya kung ganoon ang pinagmumulan natin may respeto tayo sa bawat tao, at yung respetong yon, bumubunga yon ng mas kongkretong pagkalinga sa kanila,” pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat, pakikiisa at suporta si Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa misyon ng Simbahang Katolika na sugpuin ang lumalaganap na epidemya ng HIV/AIDS sa bansa.

Ayon sa kalihim ng DOH, ang pagsasama-sama ng Catholic organizations at interfaith groups ay malaking tulong sa pamahalaan upang mapalawak ang pagkilos sa pagsugpo sa HIV/AIDS.

“We commemorate all the initiatives towards awareness and information and education and we would like to partner with all sectors in this campaign to actually inform our people and make them aware of the HIV AIDS epidemic,”pahayah ni Sec. Ubial sa Radyo Veritas.

Ayon sa kalihim, nakapagtala ang D-O-H ng 300 bagong kaso ng HIV/AIDS sa bansa kada araw.

Dahil dito lubos na nagpapasalamat ang kalihim sa mga inisyatibo ng Simbahan sa pagpapalaganap ng kamalayan lalo na sa mga kabataan na pinaka-apektado ng sakit.

“We hope, the partnership with the church and the interfaith group that we can quelle and stop this epidemic here in the Philippines. So congratulations to our Catholic Bishops and Radio Veritas for partnering with the Department Health with this very important health intervention, the HIV AIDS advocacy and prevention and control program,” dagdag ng kalihim.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,377 total reads

 2,377 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,312 total reads

 8,312 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,005 total reads

 46,005 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,275 total reads

 272,275 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,741 total reads

 165,741 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,364 total reads

 259,364 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,524 total reads

 34,524 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,421 total reads

 27,421 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top