Panalangin at tulong, hiling ng Pari sa komunidad ni San Agustin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,723 total reads

Pagtutulungan at panalangin ang kahilingan ng bagong Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish and Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de la Consolacion Y Correa o San Agustin Church sa Intramuros Manila.

Ayon kay Fr. Reynante Balilo, OSA, mapagtatagumpayan nito ang bagong misyong paglingkuran ang parokya sa tulong ng mananampalataya na magiging katuwang sa pagpapalago ng komunidad ng San Agustin.

“Nawa ay patuloy po ninyo kaming ipagdasal na gabayan kami ng Diyos sa aming bagong misyon, ang misyon ni Kristo na ipinagkatiwala sa amin ng simbahan,” bahagi ng mensahe ni Fr. Balilo.

Batid din ng Agustinong pari ang mga karanasang matutuhan mula sa nasasakupang komunidad na higit magpapalago sa kanyang bokasyong maglingkod sa kawang ipinagkatiwala ng Panginoon.

Magiging katuwang ni Fr. Balilo sa pangangasiwa ng parokya si Fr. Edwin Hari, OSA bilang parochial vicar at Rector ng dambana.

Ayon sa pari, na sa pagtutulungan ay lalago ang parokya gayundin ang pananampalataya ng bawat nasasakupan.

“I ask you my dear brothers and sisters to continually teach me to fulfill the very purpose and reason for which I was ordained, like Jesus, I, too desire to serve and not to be served,” ani Fr. Balilo.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang rito ng pagtatalaga na sinaksihan ng daan-daang parishioners ng San Agustin Church at mga pari ng Order of St. Augustin – Province of the Most Holy Name of Jesus of the Philippines.

Taong 1500’s nang maitatag ang San Agustin Church na pinangangasiwaan ng mga Agustinong misyonero na nakaranas ng iba’t ibang hamon dulot ng sakuna, digmaan at iba pang kalamidad.

Ang simbahan ay kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang isa sa mga Baroque Churches sa bansa habang idineklarang National Cultural Treasures at National Historical Landmarks ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 177,733 total reads

 177,733 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 248,983 total reads

 248,983 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 282,430 total reads

 282,430 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 317,730 total reads

 317,730 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 537,182 total reads

 537,182 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top