Isabuhay ang “Plant-based diet”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 843 total reads

Hinikayat ng opisyal ng simbahan ang mamamayan na isabuhay at palaganapin ang plant-based diet.

Kasabay ito ng muling pagsusulong sa “No Meat Friday” campaign na layong hikayatin ang bawat isa na iwasan ang pagkain ng karne o pagkaing may mukha, at sa halip ay isulong ang pagkain ng prutas at gulay.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila, ang plant-based diet ang pinakamabuting paraan ng pagkain sapagkat hindi lamang ito nakatutulong sa kalikasan kun’di pinapabuti rin nito ang kalusugan ng katawan.

“Ito pong plant-based diet ang pinakamalusog na pagkain na para sa tao. Sa totoo lang, nasa Genesis 1:29 po ‘yan – I give you green plants for food. Talagang sa simula pa lang, ang ibinigay sa ating pagkain ng Diyos na siyang lumikha sa atin at alam niya kung anong makakabuti sa ating katawan, isipan, at pagkatao ay ang pagkaing walang mukha.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Naunang sinabi ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na kapansin-pansin ngayon ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng malalang karamdaman sanhi ng labis na pagkonsumo ng mga tao sa karne ng hayop.

Batay sa mga pag-aaral, ang pagkain ng karne ay maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng cancer, sakit sa puso, alzheimer’s disease, at diabetes.

Kaya naman panawagan ni Fr. Pascual sa lahat na simulan nang makibahagi sa pagsusulong ng plant-based diet upang maging malusog ang pangangatawan at mapangalagaan din ang kalikasan.

“Subukan po natin. Kapag kumain tayo ng mga pagkaing walang mukha or plants, lalo tayong lalakas, lalo tayong gagaling at hahaba ang ating buhay na paglilingkod sa Diyos at kapwa.” ayon sa pari.

Magugunitang pinuri ni Fr. Pascual ang hamon ng Cambridge University kay Pope Francis upang hilingin sa mga katolikong kristiyano ang pag-iwas sa pagkain ng karne upang mabawasan ang global carbon emissions.

Patuloy na isinusulong ng Radio Veritas ang Kilusang Plant-based diet at No Meat Friday Campaign upang ipalaganap ang pangangalaga sa kalusugan ng tao, at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 9,129 total reads

 9,129 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 40,402 total reads

 40,402 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 119,887 total reads

 119,887 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 214,113 total reads

 214,113 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 274,308 total reads

 274,308 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,413 total reads

 71,413 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top