Suporta sa Mary Comforter of the Afflicted Parish, tiniyak ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 856 total views

Tiniyak ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa komunidad ng Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban Pasay City ang patuloy na suporta at pakikiisa sa mananampalataya.

Ito ang nilalaman ng liham pastoral ng arsobispo hinggil sa paglipat ng pangangasiwa ng parokya sa Rogationists Fathers.

Iginiit ni Cardinal Advincula na bilang bahagi ng pamayanan ng arkidiyosesis ay kaisa ito sa paglalakbay ng nasasakupang kawan.

“Lagi ninyo sanang maramdaman na hindi kayo nakabukod mula sa Arkidiyosesis ng Maynila. Ang inyong pamayanan, sampu ng mga paring Rogationist, ay lagi naming kalakbay sa iisang Bayan ng Diyos dito sa Maynila.” ayon kay Cardinal Advincula.

Ito ang tugon ng cardinal sa alalahanin ng mamamayan ng Maricaban hinggil sa pagpapalit ng liderato ng kanilang parokya na kasalukuyang pinangangasiwaan ng arkidiyosesis.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang pasyang ipagkatiwala ang parokya sa mga Rogationist ay bunga ng masusing pag-aaral at pagdarasal alinsunod na rin sa naging resulta ng synodal consultations sa pamayanan.
Tiwala ang arsobispo na mapagyaman ng mga Rogationist ang debosyon sa lugar gayundion ang palingap sa pangangailangan ng mamamayan.

“Sa maraming taon na, ang mga paring Rogationists ay naglilingkod sa mga dukha ng lungsod ng Pasay at sa iba pang mga lugar. Nakalapat ang kanilang paglilingkod sa araw araw na karanasan ng mga maralita…Umaasa akong ang inyong debosyon ay lalo pang mag-uugat at magbubunga sa paglilingkod at pakikilakbay sa inyo ng mga paring Rogationist, sa pamamagitan ng mga handog nilang kakayahan at katangian.” ani ng cardinal.

Ang parokya ay itinatag noong Hulyo 1992 at kabilang sa 93 parokya ng arkidiyosesis.

Habilin ni Cardinal Advincula sa pamayanan ng Maricaban na isabuhay ang diwa ng pagbubuklod at pagmamahalan bilang tanda ng pananampalataya sa Diyos at hingin ang paggabay sa Mahal na Birheng Mariang Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 50,714 total views

 50,714 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 94,322 total views

 94,322 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 177,751 total views

 177,751 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 191,112 total views

 191,112 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top