Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gobyernong ginagawang mangmang ang mamamayan?

SHARE THE TRUTH

 468 total views

Mga Kapanalig, ang huling bahagi ng taon ang panahon kung kailan binubusisi ng mga mambabatas ang pambansang badyet o ang National Expenditure Program. Kinikilatis nila kung ang mga pinagkakagastusan ng gobyerno ay naaangkop sa mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan. Sa katunayan, ang pagbusisi at pagpasá ng pambansang badyet ay ang pinakamahalagang tungkulin ng Kongreso sa ilalim ng ating Saligang Batas.

Sa pagrepaso sa badyet na isinumite ng ehekutibo, natuklasan ni Senadora Pia Cayetano ang pagbabâ ng badyet ng mga state universities and colleges (o SUCs) ng higit 14 na bilyong piso. Alam nating ang karamihan sa mga nag-aaral sa mga SUCs ay mga mahihirap na estudyanteng ang tanging pag-asang makakuha ng mabuting edukasyon ay sa pagpasok sa mga SUCs. Ayon sa mambabatas, 75 SUCs, kabilang ang ilang medical schools katulad ng UP Manila, ay malaki ang nabawas sa kanilang capital outlay o ang gastusin para sa mga pasilidad at kagamitan. Maging ang UP Philippine General Hospital (o PGH) ay binawasan ang pangkalahatang badyet ng 130 milyong piso.

Sa kabilang banda, lumaki naman ang intelligence funds ng ilang opisinang hindi malinaw kung bakit mangangailangan ng ganitong pondo. Partikular na natukoy ni Albay First District Representative Edcel Lagman ang Office of the Vice President, na bibigyan ng intelligence funds na 500 milyong piso, at ang Department of Education, na tatanggap naman ng 150 milyong pisong intelligence funds. Ang dalawang opisina ay pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Ang mahirap sa intelligence funds, hindi obligado ang mga opisinang tumatanggap nito na ipaliwanag ang detalye kung saan ginagastos ang pondong ito. Dahil dito, hindi nabubusisi kung makabuluhan ba ang pinupuntahan ng pera ng bayan. Samantala, mayroong mga malinaw na pangangailangan ang ating mga unibersidad na naghuhubog at nagsasanay ng ating mga kabataan upang maging mahusay na mga manggagawa, propesyonal at lingkod-bayan, ngunit kapos naman ng pondo ang mga ito.

Ito ay isang sitwasyon kung saan dapat nagsasalita ang taumbayan dahil kapakanan natin ang nakataya. Sa isang banda, ang pondo ng mga unibersidad ay ginagamit upang maging mas maalam at mapanuri ang mga kabataan. Sa kabilang banda, ang intelligence funds ay itinatago naman kung saan ginagamit. Hindi ba’t malinaw na mas dapat gawing matalino at mapanuri ang mga mamamayan kaysa gamitin ang pondo ng bayan sa mga bagay na ikinukubli sa taumbayan? O baka naman talagang pakay ng mga nakaupo sa gobyernong gawing mangmang ang mga mamamayan, lalo na ang kabataan, upang hindi sila nagsusuri at nagtatanong.

Nakalulungkot kung ang bagay na ito ay patuloy na umiral sa ating bayan. Unti-unting ginagawang mangmang ang taumbayan nang lingid sa kanilang kaalaman. At ito ay magpapatuloy habang walang kumikibo. Mabuti pa ang bulag na si Bartimeo na tinanong ni Hesus, “Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo?” Sumagot siya, “Panginoon, ibig kong muling makakita.” Ilan sa atin ang gustong makakita sa tunay na nagaganap sa ating lipunan? Ilan sa atin ang may lakas ng loob na busisiin, unawain, at ibunyag kung may mga ‘di makatuwirang ginagawa ang mga nasa gobyerno?

Mga Kapanalig, tunay ngang hindi madali ang pagsunod sa Panginoon sa gawain ng pagpapairal ng katarungang panlipunan sa Kaharian ng Diyos. Sinasabi sa Catholic social teaching na Quadragesimo Anno, ang Estado ay ginagawaran ng responsibilidad na tiyaking ang lahat ay nakatatanggap ng nararapat na bahagi ng yaman ng lipunan upang matugunan ang kanilang pangangailangan at pag-unlad bilang tao. Samakatuwid, isang sagradong gawain ang makisangkot tayo sa pagbusisi sa badyet ng gobyerno. Ito ang paraan na masisigurong ang pinakanangangailangan ay makatatanggap ng nararapat nilang bahagi sa kaban ng bayan, lalo na para sa edukasyon na siyang susi sa pag-unlad ng sarili, pamilya at bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,782 total views

 82,782 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,557 total views

 90,557 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,737 total views

 98,737 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,269 total views

 114,269 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,212 total views

 118,212 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,783 total views

 82,783 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 90,558 total views

 90,558 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,738 total views

 98,738 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 114,270 total views

 114,270 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 118,213 total views

 118,213 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,502 total views

 60,502 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,673 total views

 74,673 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,462 total views

 78,462 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,351 total views

 85,351 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,767 total views

 89,767 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,766 total views

 99,766 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,703 total views

 106,703 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,943 total views

 115,943 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,391 total views

 149,391 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,262 total views

 100,262 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top