Boses ng maralita, pakikinggan ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,068 total reads

Pinaiigting ng social action arm ng Archdiocese of Cebu ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga maralita.

Inilunsad ng Cebu Caritas Inc. – Commission on Service ang ‘Pakighimamat sa Anawim’ kung saan nabigyang pagkakataon ang mga mahihirap sa lalawigan na mapakinggan ng simbahan.

Ayon sa institusyon, layunin nitong mapakinggan at makapaglikha ng mga programa ang arkidiyosesis na pakikinabangan ng maralitang sektor at matulungang mapaunlad ang kanilang antas ng pamumuhay.

“The activity aims to listen to the cries and aspirations of the Anawim and to craft concrete programs and action plans to address their concerns. It is also a wonderful avenue for them to provide “sanctuaries” (dangpanan) for the various sectors when the need arises.” ayon sa Cebu Caritas.

Hinati sa tatlong grupo ang gawain kung saan nakatalaga sa bawat grupo ang mga obispo ng arkidiyosesis na sina Archbishop Jose Palma, Bishop Midyphil Billones at Bishop Ruben Labajo.

Batid ng simbahan ang mahirap na karanasan ng mga maralita dulot ng iba’t ibang pangyayari sa lipunan na nakadadagdag sa pasanin ng mamamayan tulad ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo at ang kawalang sapat na kita.
Nitong November 13 ipinagdiwang ng simbahan ang ikaanim na World Day of the Poor sa temang ‘For your sakes Christ became poor’ kung saan muling tiniyak ng simbahan ang pakikiisa at paglingap sa mga mahihirap sa lipunan.

Sa pag-aaral ng Social Weather Stations noong Oktubre naitala sa halos 13 milyong pamilya sa Pilipinas ang naghihirap habang halos tatlong milyon naman ang nagugutom.

Una nang inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Parish Caritas bilang hakbang sa pagpapaigting ng social programs ng simbahan at mapabilis ang paglingap sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,919 total reads

 85,919 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 117,649 total reads

 117,649 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 219,474 total reads

 219,474 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 260,034 total reads

 260,034 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,899 total reads

 276,899 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top