Bansang lumilikha ng polusyon, papanagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Hinamon ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at iba pang grupo ang mga bansang nangunguna sa paglikha ng polusyon na pagbayaran ang mga pinsalang humantong sa krisis sa klima.

Ginawa ng PMCJ ang panawagan bilang bahagi ng ginaganap na 27th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El-Sheikh, Egypt hanggang November 18, 2022.

Ayon kay PMCJ national coordinator Ian Rivera, matagal nang panawagan ng iba’t ibang grupo ang pagtugon ng pamahalaan sa mga nangyayaring krisis sa kapaligiran ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan sa mga plano para sa kapakanan ng kalikasan at nakararami.

“We are speaking of deaths and the loss of lives, of losing members of families and communities. And there is no amount of finance and adaptation that can solve a continuing criminal act.” pahayag ni Rivera.

Binigyang-diin ni Rivera ang usapin hinggil sa ‘loss and damage’ na patuloy na iniiwasan ng mga mayayamang bansa sa kabila ng kanilang mga pagkakasala at obligasyong nagdudulot ng kapahamakan sa kalikasan at mga tao.

Dagdag pa ng opisyal na patuloy na isinasantabi ng mga bansang nangungunang dahilan ng climate change ang kawalang katarungan para sa milyon-milyong mamamayan at pamayanan mula sa mga mahihinang bansa tulad ng Pilipinas.

“The polluter countries must make amends for the harm done and adhere that Loss and Damage and the necessary climate finance be enshrined in the convention.” saad ni Rivera.

Sa muling pagkakatipon ng iba’t ibang bansa ngayong COP27 Summit, muling nananawagan ang PMCJ na magkaroon ng pananagutan ang mga bansang mayroong malaking ambag sa polusyon tulad ng Estados Unidos, China, at Japan, at simulang isulong at palakasin ang renewable energy.

Gayundin ang panawagan sa pamahalaan ng Pilipinas na tumugon sa hiling na ito, at manindigan kasama ang mga pamayanang lubos na napinsala ng mga sakunang sanhi ng krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 77,982 total reads

 77,982 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 180,121 total reads

 180,121 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 216,909 total reads

 216,909 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 247,484 total reads

 247,484 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 292,663 total reads

 292,663 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,181 total reads

 58,181 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top