Pakikiisa ng Simbahan sa mahihirap, kinilala ng mga grupong maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 981 total reads

Patuloy ang pakikiisa at pag-aalay ng misa para sa mga mahihirap ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) kasama ang ibat-ibang grupo.

Ito ang tiniyak ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP-ECMI matapos ang ng World Day of the Poor noong November 13.

Paalala ng Obispo sa bawat mananampalataya sa anumang pagkakataon ay ipagpatuloy ang pagiging bukal ng kalooban sa pagtulong sa mga mahihirap.

“To celebrate this important day, is to be compassionate to them and always be charitable, remember that our Church has preferential care and option for the poor, our church is their home, their refuge and sanctuary, for she is church of the poor.” ayon sa mensaheng ipanadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Kinilala naman ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang patuloy na pakikiisa ng simbahan sa mga maralita.

Ayon kay Eufemia Doringo – KADAMAY Secretary General, sa tulong ng mga pastol ng simbahan kasama ng mga laiko ay napapalakas ang panawagan ng mga mahihirap sa lipunan.

Panawagan naman ni Kej Andres – Pangulo ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang tutulong na mapataas ang antas ng pamumuhay ng maralita.

Tinukoy ni Andres ang pagpapatupad ng National Family Living Wage na itatakda sa higit 1,100-piso kada araw kasabay ng pagpapaigting sa local agricultural products at pag-alis sa labis na buwis.

Magugunitang noong Oktubre ay naitala ng Social Weathers Station na umabot sa 12.6-milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap habang umabot naman sa 2.9-milyong pamilya sa 3rd quarter ng 2022 ang nakaranas ng kagutuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 35,547 total reads

 35,547 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 170,540 total reads

 170,540 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 255,923 total reads

 255,923 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 319,756 total reads

 319,756 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 398,296 total reads

 398,296 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top