Let solidarity overcome our political and economic divisions -Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,595 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal ang mananampalataya na tularan ang kapakumbabaan ni Hesukristo na nakilakbay sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ang hudyat sa pagtatapos ng liturhikong taon ng simbahang katolika.

Ayon kay Cardinal Advincula, bilang hari nakiisa si Hesus sa sanlibutan sa kabila ng pagiging makasalanan ng tao.

Hinimok ng Kardinal ang mananampalataya na maging daluyan ng pag-asa ng mga nalulumbay at pinanghihinaan ng loob.

“As king, he fosters solidarity, gives us life, and extends upon us his mercy. Let us seek his grace so that we too may become agents of solidarity, bearers of life, and missionaries of mercy for each other,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo na mahalagang magbuklod ang pamayanan upang matulungan ang mga nakararanas ng kahirapan sa lipunan.

“Like Jesus our King, let solidarity overcome our political and economic divisions. Let there be no solo Christian among us, for we are always in communion,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Aniya, taliwas sa pagiging hari na nakaluklok sa trono ng palasyo si Hesus ay nakipamuhay sa sanlibutan lalo na sa panahon ng mga pagsubok at mahihirap na karanasang kinakaharap.

Apela ni Cardinal Advincula sa kristiyanong pamayanan na maging liwanag at magbigay buhay sa bawat isa sa pamamagitan ng paglingap sa nangangailangan.

“Let us also bring life to one another, like Christ our King. Let us help and encourage one another. Let us be signs of hope for one another. Let us bear Christ to one another, especially those among us who are forlorn, discouraged, and distressed,” ani ng cardinal.

Umaasa ang punong pastol ng arkidiyosesis na maging katuwang ang bawat isa sa misyon ni Hesus na kalingain ang bawat nangangailangan sa pamayanan lalo na ang mahihina at naisasantabing sektor.

“Like Christ our King, let us also demonstrate mercy towards each other. Let our acts of allegiance to Christ flow into acts of charity for one another, especially those who are needy and underprivileged among us,” giit ng arsobispo.

Batay sa kasaysayan unang ipinagdiwang ng simbahang katolika ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari tuwing huling Linggo ng Oktubre ngunit alinsunod sa kautusan ni St. Paul VI noong 1969 ay inilipat ito sa huling Linggo ng Karaniwang Panahon bilang paghahanda sa Adbiyento o bagong taong liturhiko ng simbahan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,141 total reads

 3,141 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,893 total reads

 13,893 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,453 total reads

 54,453 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,762 total reads

 81,762 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,027 total reads

 130,027 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,513 total reads

 151,513 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top