Matatag na bilateral relations, inaasahan sa pag-uusap ng pangulong Marcos at US Vice-President Harris

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,398 total reads

Inaasahang titibay ang bilateral relations ng Estados Unidos at Pilipinas sa tatlong araw na pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bansa.

Tinalakay sa bilateral talks ni US Vice President Harris at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Vice-President Sara Duterte ang pagpapalago sa ekonomiya at pagpapatatag sa seguridad sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Dumating sa Pilipinas si US Vice President Harris nitong November 20 lulan ng Air Force Two na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mag – alas siyete ng gabi.

Kasama ni Harris ang asawang si Douglas Emhoff at ilang kinatawan ng America na dumalo rin sa ginanap na 29th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting Thailand.

Lalahok din si Harris sa town hall conversation ng mga kabataan at kababaihan habang bibisita rin ito sa Palawan sa November 22 upang makipagpulong sa mga residente, mga lokal na opisyal ng lalawigan at ng Philippine Coast Guard.

Una nang ibinahagi ng isang opisyal ng Amerika na ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay pagtiyak na suportado nito ang Pilipinas sa paninindigan sa karapatan sa West Philippine Sea.

Sinalubong si Harris ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, Deputy Chief of Mission Heather Variava, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, chief of presidential protocol Adelio Cruz, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Pasay Rep. Antonino Calixto, at Manila International Airport Authority assistant general manager Rafael Regular.

Ayon sa embaha ng Estados Unidos sa Pilipinas, si Harris ang kauna-unahang Asian-American Vice President na bibisita sa Palawan.

Taong 2017 ng dumalaw ang pinakamataas na pinuno ng Amerika sa Pilipinas nang bumisita si dating US President Donald Trump kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,576 total reads

 6,576 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,843 total reads

 19,843 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,404 total reads

 60,404 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,402 total reads

 87,402 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,667 total reads

 135,667 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,853 total reads

 156,853 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top