Pagtatalaga sa Parish of St. Anne bilang ika-5 Minor Basilica, pinangunahan ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,847 total reads

Inihayag ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas na ang bawat simbahan ay kanlungan ng sangkatauhan.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, sa kabila ng mga pagkukulang ng tao ay nanatili ang pag-ibig ng Diyos kaya’t ito ang nagbibigay proteksyon sa bawat isa laban sa kasamaan at kasalanan.

“Every Catholic Church should be a place of protection, a place of safety, where all of us, no matter what our background is, no matter what our temptations may be, no matter what our failures are-we are protected, because we are in the House of God,” ayon kay Archbishop Brown.

Ito ang pagninilay ng arsobispo kasabay ng pagtalaga ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Anne sa Taguig City bilang Minor Basilica na kauna-unahan sa Diocese of Pasig.

Ipinaliwanag ni Archbishop Brown na makabuluhan ang pagkakataong itinalaga ang simbahan ng Sta. Ana bilang basilica sa paggunita ng ‘Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo’ lalo’t si Sta. Ana ang ina ni Maria.

Ibinahagi pa ng nuncio na kaakibat ng pagkatalagang basilica ay makatatanggap ang sinumang dadalaw sa simbahan ng plenary indulgence kung ito ay mangungumpisal, tatanggap ng banal na komunyon, at mananalangin sa natatanging intensyon ng Santo Papa.

“It indicates a very special closeness to the person of the Holy Father it means after the elevation this closeness has the consequence that in your church now a minor basilica people who come to pray here can obtain a plenary indulgence under the normal conditions,” giit ni Archbishop Brown.

Kasabay nito hinimok ng opisyal ang mananampalataya na ipalangin si Pope Francis lalo na ang kanyang kalusugan upang maipagpatuloy ang mga gawaing pagmimisyon at pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo.

Katuwang ni Archbishop Brown sa pagdiriwang si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara kasama ang rector at parish priest ng dambana na si Fr. Orlando Cantillon.

Dumalo rin sa pagtitipon si CBCP President, Kalookan Bishop Mylo Hubert Vergara, Parañaque Bishop Jessie Mercado, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, at Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco.

Ang 435-year-old na simbahan ng Sta. Ana na itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1587 ang ikalimang basilica sa National Capital Region habang ika – 21 naman sa buong Pilipinas na ginawaran ni Pope Francis ng Minor Basilica status noong July 26, 2022 kasabay ng kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana – ang mga magulang ng Mahal na Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 50,420 total reads

 50,420 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 87,608 total reads

 87,608 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,907 total reads

 122,907 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 349,177 total reads

 349,177 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,673 total reads

 239,673 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top