Tamang asal ng mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 746 total reads

Mga Kapanalig, nakasaad sa ating batas, partikular sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees, na ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay dapat maging tapat sa mga tao sa lahat ng oras. Dapat silang kumilos nang makatarungan at walang pinapaboran. Dapat nilang igalang sa lahat ng pagkakataon ang karapatan ng iba. Higit sa lahat, dapat silang umiwas sa paggawa ng mga iligal na gawain.

Ngunit paano natin aasahan ang mga lingkod-bayang pagsilbihan at paglingkuran ang taumbayan kung mismong mga kasama nila sa opisina ay hindi nila magawang igalang?

Noong nakaraang linggo, pinatawan ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension sa susunod na anim na buwan nang walang bayad si National Irrigation Administration (o NIA) Chief Benny Antiporda. Ito ay matapos maghain ng mga administrative complaints ang ilang empleyado ng ahensya. Ang limang pahinang kautusan na inilabas ng Ombudsman na naglalagay kay Antiporda sa ilalim ng preventive suspension ay upang hindi na niya magawa pang impluwensyahan ang kanyang mga tauhan at pati na rin ang gumugulong pang imbestigasyon. Inilabas ang suspension order matapos ang ginawang pag-iimbestiga sa nasabing reklamo ng mga opisyal at empleyado ng NIA sa kasong grave misconduct, harassment, oppression, at ignorance of the law.

Kabilang sa mga alegasyon laban kay NIA Chief Antiporda ay pagbabanta sa mga empleyado ng hindi pag-renew ng kanilang appointment, paglilipat sa mga empleyado nang walang basehan, katiwalian, pangungutya, at pamamahiya sa mga taga-NIA. Bagamat mariing itinanggi ni Antiporda ang mga akusasyon laban sa kanya, nanindigan ang Ombudsman sa pagkumpirmang malakas ang ebidensya laban sa pinuno ng NIA matapos ang masinsing pagsusuri sa mga ebidensya.

Makikita sa pangyayaring ito ang kahalagahan ng mga institusyon o tanggapang titiyak sa tamang asal at pagpapanagot sa mga lingkod-bayan. Sa mga pagkakataong inaabuso ng mga opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihang mayroon sila, ang Ombudsman ang “magmamatyag sa mga tagapagmatyag.” Itinatag ang Ombudsman upang bantayan ang mga nasa ating gobyerno. Upang hindi mabahiran ng pulitika at magawa nang maayos ng Ombudsman ang mandato nito, ginawa itong constitutional office; ibig sabihin, independent o hiwalay ang tanggapan nito mula sa tatlong sangay ng gobyerno. Kaya’t mahalagang manatili ang pagiging independent ng mga constitutional offices upang masigurong nababantayan ang anumang paglabag ng mga nasa gobyerno.

Gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Populorum Progressio, ang kawalang-katarungan ay dapat hamunin at mapagtagumpayan dahil nangangailangan ang patuloy na pag-unlad ng matapang at malaking hakbang na gagawa ng malalim na pagbabago. Ang gawaing lihis ay dapat itinatama nang walang antala. Dapat na mag-ambag dito ang mga taong may edukasyon at katungkulan. Dapat nilang gamitin nang tama ang kanilang awtoridad. Magpapatuloy ang katiwalian sa pamahalaan kung walang institusyong sisita at magtutuwid sa mga nasa likod nito.

Sabi nga ni Hesus sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Mahalagang napapanagot ang mga taong nasa ating pamahalaan sapagkat itinuturing silang tagapaglingkod ng bayan. Dapat silang papanagutin sa kanilang pagkukulang sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang tagapamahala at sa pagmamalabis nilang humahantong sa pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan. Sa pagtanggap nila ng malaking responsibilidad na mamuno ng isang ahensya ng pamahalaan, kaakibat nito ang pagsusumikap na gawin kung ano ang tama, matuwid, at makabubuti para sa lahat.

Mga Kapanalig, magkakaroon lamang tayo ng makatarungang lipunan kung marangal at matino ang namumuno sa mga ahensya ng ating pamahalaan. Kung taglay ng mga kawani ng pamahalaan ang mga katangiang ito, maiiwasan ang mga pang-aabuso ng kapangyarihan sa loob mismo ng mga ahensyang ipinagkatiwala sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 41,929 total reads

 41,929 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 148,843 total reads

 148,843 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 193,510 total reads

 193,510 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 215,716 total reads

 215,716 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 250,918 total reads

 250,918 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Takót sa sariling multo

 41,930 total reads

 41,930 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 148,844 total reads

 148,844 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 193,511 total reads

 193,511 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 215,717 total reads

 215,717 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »
Scroll to Top