Pasayahin ang mga bilanggo ngayong pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,643 total reads

Ang Pasko ang isa sa pinakamalungkot na panahon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.

Ito ang ibinahagi ni Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) Executive Director Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ sa panibagong proyekto ng organisasyon para sa mga bilanggo sa papalapit na pasko.

Ayon sa Pari, bagamat masaya ang bawat isa tuwing pasko ay malungkot naman ang mga PDL na hindi kapiling ang mga mahal sa buhay.

Bunsod nito, ibinahagi ni Fr. Bargayo ang “New Bilib-Eat Project” na maghahatid ng simpleng kaligayahan sa mga bilanggo sa pagsapit ng Pasko.

“Sa atin sa malayang lipunan or the free society we celebrate Christmas and we consider Christmas as one of our happiest moment or season of the year, because we have like reunions with our families, with friends, with our batch mates. But for our brothers and sisters inside the prison, Christmas is one of the saddest if not the saddest season of the year because they are away from their love ones, from their friends, from those whom they consider their family.” pahayag ni Fr. Bargayo sa Radio Veritas

Ibinahagi ng Pari ang layunin ng ‘New Bilib-Eat Project’ ng PJPS na makapagkaloob ng simpleng pang-salosalo sa may 33,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City para sa darating na Noche Buena at Media Noche.

Umaasa ang organisasyon na ang pagkakaloob ng simpleng salo-salo ay maging daan upang makapagbahagi ng simpleng biyaya, pag-asa at kagalakan sa mga bilanggo na nalulumbay dahil sa pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

“During Christmas in the fullness of their stomach at least in giving them spaghetti packages for Noche Buena, we would bring smiles and joys to their hearts, to their lonely hearts and we may be able to do this as we also bring hope to our PDLs inside the prison.” Pagbabahagi pa kay Fr. Bargayo.

Ayon sa Pari, sa halagang 250-piso kada isang spaghetti package ay maari ng makatulong at makapagbahagi ng suporta ang bawat isa sa ‘New Bilib-Eat Project’ ng PJPS para sa mga bilanggo ngayong pasko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 113,292 total reads

 113,292 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 147,969 total reads

 147,969 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 170,701 total reads

 170,701 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 207,187 total reads

 207,187 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 218,346 total reads

 218,346 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top