Paggunita sa COVID survivor’s day, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,211 total reads

Matagumpay na isinagawa ng Archdiocese of Lipa ang COVID Survivors’ Day sa Parish and National Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas.

Ito’y programa ng arkidiyosesis sa pamamagitan ng Ministry on Social Services bilang paggunita sa mga naging biktima ng coronavirus disease, lalo na sa mga hindi nakaligtas sa epekto ng nakamamatay na virus.

Ayon kay Fr. Jazz Siapco, pinuno ng ministry na sa nakalipas na higit dalawang taon ng pandemya ay higit na nasubukan ang katatagan ng bawat isa sa pagharap sa panganib na dala ng COVID-19.

Sinabi ni Fr. Siapco na ang paggunita sa mga nakaligtas sa nakahahawa at nakamamatay na sakit ay pagkakataon din upang kilalanin ang mga kumalinga at tumulong upang makaligtas sa sakit at krisis ng pandemya.

“Kaya ang araw na ito, una ito’y pasasalamat sa Diyos sa buhay na ibinigay sa paggaling at ikalawa’y pagkilala mula sa kadakilaan ng Diyos at pagkilala sa mga tumulong at nakiisa para lahat tayo’y mag-survive dito.” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Umaasa ang pari na bagamat hindi naging maganda ang epekto ng COVID-19 ay maging aral at gabay ang mga natutunan sa pagsubok na ito.

Ipinaalala din ni Fr. Siapco na nananatili pa rin sa paligid ang banta ng virus kaya’t mahalagang isaalang-alang ang pag-iingat sa kalusugan at ang pananalangin para sa patuloy na pamamatnubay ng Panginoon.

“Para sa lahat ng survivors lagi tayong magpapasalamat sa Diyos. Marami tayong mga taken for granted na mga bagay-bagay pero dahil sa pandemyang ito, we were able to relieve the experience. And we were able to once more appreciate life, appreciate the goodness of other people. We appreciate God himself na talagang gumagabay sa atin.” ayon kay Fr. Siapco.

Batay sa tala ng Department of Health na sa nakalipas na dalawang taon ng pandemya, umabot sa higit 4-milyon ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 3.9-milyon ang nakaligtas, habang 64-libo naman ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 112,989 total reads

 112,989 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 147,666 total reads

 147,666 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 170,412 total reads

 170,412 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 206,898 total reads

 206,898 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 218,064 total reads

 218,064 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 88,469 total reads

 88,469 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top