2,083 total views
Ang Pasko ang isa sa pinakamalungkot na panahon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.
Ito ang ibinahagi ni Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) Executive Director Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ sa panibagong proyekto ng organisasyon para sa mga bilanggo sa papalapit na pasko.
Ayon sa Pari, bagamat masaya ang bawat isa tuwing pasko ay malungkot naman ang mga PDL na hindi kapiling ang mga mahal sa buhay.
Bunsod nito, ibinahagi ni Fr. Bargayo ang “New Bilib-Eat Project” na maghahatid ng simpleng kaligayahan sa mga bilanggo sa pagsapit ng Pasko.
“Sa atin sa malayang lipunan or the free society we celebrate Christmas and we consider Christmas as one of our happiest moment or season of the year, because we have like reunions with our families, with friends, with our batch mates. But for our brothers and sisters inside the prison, Christmas is one of the saddest if not the saddest season of the year because they are away from their love ones, from their friends, from those whom they consider their family.” pahayag ni Fr. Bargayo sa Radio Veritas
Ibinahagi ng Pari ang layunin ng ‘New Bilib-Eat Project’ ng PJPS na makapagkaloob ng simpleng pang-salosalo sa may 33,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City para sa darating na Noche Buena at Media Noche.
Umaasa ang organisasyon na ang pagkakaloob ng simpleng salo-salo ay maging daan upang makapagbahagi ng simpleng biyaya, pag-asa at kagalakan sa mga bilanggo na nalulumbay dahil sa pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.
“During Christmas in the fullness of their stomach at least in giving them spaghetti packages for Noche Buena, we would bring smiles and joys to their hearts, to their lonely hearts and we may be able to do this as we also bring hope to our PDLs inside the prison.” Pagbabahagi pa kay Fr. Bargayo.
Ayon sa Pari, sa halagang 250-piso kada isang spaghetti package ay maari ng makatulong at makapagbahagi ng suporta ang bawat isa sa ‘New Bilib-Eat Project’ ng PJPS para sa mga bilanggo ngayong pasko.