Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,462 total views

Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign.

Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis na si Bishop-elect Euginius Cañete, MJ na magsisilbing bilang ikaapat ng obispo ng Diyosesis ng Gumaca, Quezon kahalili ng namayapang si Bishop Victor Ocampo noong 2023.

Bukod dito, idaragdag din ng Diyosesis ng Gumaca sa intensyon ng pakikibahagi sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign ang pananalangin para sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang proseso ng halalan at pangangampanya ng mga kandidato para nakatakdang 2025 Midterm Elections.

“Sa ating Diyosesis, idadagdag natin sa intensyon ang pagdating ng ating bagong obispo at ang mapayapa at maayos na kampanya ng mnga kandidato sa darating na halalan.” Bahagi ng liham sirkular ni Fr. Uriarte.

Nasasaad sa nasabing sirkular ang pag-aatas sa mga parokya at mga laykong mananampalataya sa diyosesis na makiisa sa taunang worldwide prayer event ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.

Ayon sa Pari, kaisa ng ACN ang diyosesis sa layunin ng kampanyang hikayatin ang bawat isa sa pananalangin ng Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen para sa pagkakaroon ng ganap na pagkakaisa at kapayapaan sa daigdig.

“Tayo po ay muling makikibahagi sa taunang kampanya ng Aid to the Church in Need (ACN) na pinamagatang “One Million Children Praying the Rosary.” Isasagawa ito sa Oktubre 18, 2024, Biyernes, sa ganap na ika-siyam ng umaga. Layunin ng kampanyang ito na hikayatin ang mga bata sa buong mundo na magdasal ng Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen para sa kapayapaan at pagkakaisa ng lahat.” Dagdag pa ni Fr. Uriarte.

Kasabay ng Kapistahan ni San Lucas, Ebanghelista sa ika-18 ng Oktubre, 2024 ay muling isasagawa ang taunang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan na may tema ngayong taon na na “Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad”.
Sa mga lalahok sa gawain maaring i-download ang prayer kits sa millionchildrenpraying.org. para magamit bilang gabay sa pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,711 total views

 7,711 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,716 total views

 35,716 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 53,516 total views

 53,516 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,196 total views

 53,196 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 165,276 total views

 165,276 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,406 total views

 15,406 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top