Diocese of Imus, makikiisa sa One million children praying the Rosary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,785 total views

Makikiisa ang Diocese of Imus sa pandaigdigang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo para sa ganap na pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan.

Sa liham sirkular, hinikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na tipunin ang mga kabataan upang makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign ng Aid to the Church in Need (ACN).

Isasagawa ang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo ngayong October 18, kasabay ng kapistahan ni San Lucas, ebanghelista, sa ganap na alas-nuebe ng umaga.

“Parish Priests, School Directors, and Consecrated Persons are encouraged to organize the children in parishes, schools, religious institutions, and Catholic communities in the Diocese of Imus to join this meaningful celebration,” ayon sa liham-sirkular ni Bishop Evangelista.

Isasagawa ng ACN Philippines ang One Million Children Praying the Rosary sa Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o Malolos Cathedral sa Malolos, Bulacan sa pangunguna ni Bishop Dennis Villarojo.

Kasabay rin ito ng paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakaloob sa Malolos Cathedral bilang minor basilica.

Una nang sinabi ni ACN Philippines chairperson, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang nasabing worldwide prayer event ay paanyaya hindi lamang para sa mga kabataan, kundi sa lahat ng mananampalatayang katoliko.

Unang inilunsad ang inisyatibo noong 2005 sa Caracas, Venezuela, at ipinalaganap ng ACN sa buong mundo noong 2008 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang nakikibahagi sa malawakang pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,712 total views

 7,712 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,717 total views

 35,717 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 53,517 total views

 53,517 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,197 total views

 53,197 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 165,277 total views

 165,277 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,483 total views

 9,483 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top