Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,909 total views

Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga.

Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik sa kanilang mga tahanan at nananatili pa rin sa hindi lamang mga itinakdang evacuation centers kundi maging sa mga Simbahan, paaralan at covered courts sa lugar na patuloy na nangangailangan ng pagkain, malinis na tubig, gamot, hygiene kits, mga kumot, flashlights, sleeping kits at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

“We experienced the worst flooding ever due to Typhoon Kristine. All of lowland Naga and other parts of Bicol were submerged under the floods. People had to swim for safety. Some died. At the moment, many families are still in other houses and evacuation centers like parishes, schools, barangay hall, covered courts, etc. They need food (non-perishable like rice, canned goods, biscuits), water, medicine, hygiene kits, innerwear, blankets, flashlights, sleeping kits, and other essentials.” Bahagi ng panawagan ni Archbishop Alarcon.

Ayon sa Arsobispo, ang anumang donasyon na maaring maibahagi ng bawat isa ay malaki ang maitutulong para sa mga pangagailangan ng mga mamamayang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong sa Arkidiyosesis ng caceres ay maaring makipag-ugnayan sa Caritas Caceres sa pamamagitan ni Rev. Fr. Emmanual Marcel Real sa numero bilang 0919-626-0669 o kay Ms. Maricel Pomares sa numero bilang 0927-180-8835.

Maari ding makipag-ugnayan sa Office of the Oeconomus ng arkidiyosesis sa pamamagitan ni Rev. Fr. Eugene Lubigan sa numero bilanbg 0917-575-0071.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Archbishop Alarcon para sa lahat ng mga una ng nagpaabot ng kagyat na tulong at pagtugon para sa mga mamamayang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan na ayon sa Arsobispo ay nagdudulot ng patuloy na pag-asa para sa bawat isa.

“The last 48 hours have not been easy, but gestures of kindness, support and assistance give us hope and encouragement. Thank you to the first responsers and thoses who have initially sent help, support, and rescue, as well as those who have assured us of their prayers.” Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon.

Kaugnay nga nito, kabilang ang Arkidiyosesis ng Caceres sa mga diyosesis sa Bicol region na pinagkalooban ng Caritas Manila ng P200,000 tulong pinansyal upang makatulong sa pagtugon ng Simbahan sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 6,495 total views

 6,495 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 6,495 total views

 6,495 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 120,316 total views

 120,316 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 143,265 total views

 143,265 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 163,960 total views

 163,960 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 7,824 total views

 7,824 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top