Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,251 total views

Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024.

Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng gabi.

Layunin ng telethon ang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyo lalo na sa Bicol Region, Quezon at Batangas na higit na napinsala ng kalamidad.

Ang ating pagsuporta ay laging relief at rehabilitation,” ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila.

“Kapag may mga biktima laging naroon ang simbahan na unang-unang nagdadasal, sumusuporta sa pamamagitan ng relief at rehabilitation, at nawa magdasal tayo na humupa na ang bagyong ito,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Una na ring nagpahatid ng paunang tulong ang Caritas Manila na nagkakahalaga ng P1.2 milyon para sa anim na diyosesis sa Bicolandia.

Ang mga diyosesis ng Libmanan; Virac; Legazpi, Daet; at Sorsogon at Arkidiyosesis ng Caceres ay tumanggap ng tig-200 libong piso.

Sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 26 ang naitalang nasawi na may kaugnayan sa bagyong Kristine.

Umaabot naman sa higit sa 300-libo katao o katumbas ng higit sa 100-libong pamilya ang nananatili pa ring nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Sa kasalukuyan na nanatili pa ring mataas ang tubig sa 586 na barangay, na ang karamihan ay sa Camarines sur.

Naitala rin ng pulisya ang 22 landslide incidents-kung saan 13 sa mga ito ay naganap sa Albay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,587 total views

 49,587 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,456 total views

 45,456 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,658 total views

 81,658 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,308 total views

 90,308 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,441 total views

 115,441 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top